Una sa Balita

Destiny’s Game

By
0 405

Ika-3 na labas

“Gumagawa ako ng uling. Sasama ka sa akin sa pangangahoy, tapos tutulungan mo akong gumawa ng uling, ako na ang bahalang magbenta sa bayan.”

Abante Hiring – IT dep

“S-sige payag na’ko.”

Kinabukasan. Nagulat na lang si Mark nang paggising niya ay nakahanda na ang almusal.

“Dyaraan! Good morning!” nakangiting bati sa kanya ni Diwata.

“Nagluto ka?”

“Obvious ba? Isinangag ko yung kanin lamig, tapos pinrito ko yung itlog!”

“Teka, anong itlog ang sinasabi mo?” kunot noong tanong ni Mark.

“‘Y-yung itlog dun oh!” inginuso ni Diwata ang manukan sa gilid ng kubo.

“Pinakialaman mo yung itlog ng manok ko?”

“Dalawa lang naman…”

“E dalawa na lang nga talaga ‘yon eh! Pwede ba sa susunod magpapaalam ka muna!”
“Bakit ibebenta mo rin ba ‘yon?”

“Wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin do’n, basta next time wag kang nakikialam.”

“Okay, sorry na…” pagkasabi niyon ay bumalik sa kuwarto si Diwata.

Sinundan siya ni Mark at kinatok.

“Diwata, lumabas ka na diyan at sabayan mo akong kumain.”

Walang tugon.

“Diwata, kapag hindi mo ako sinabayan, hindi ko kakainin ang niluto mo!”

Napilitang magbukas ng pinto ang babae.

“Galit ka pa?” tanong nito sa lalaki.

“Hindi na. Basta tandaan mo ang lahat ng sinasabi ko sa’yo para hindi ka na magkamali sa susunod.”

Tumango ang babae.

Tahimik silang kumain ng almusal.

Pagkakain ay naligo na si Diwata. Maluwang na t-shirt at pajama ang suot nito. Parehong damit ni Mark. Gustong matawa ni Mark nang makita ang ayos nito. Pero pinigilan niya ang sarili.

“Mark, kailangan ba talagang nakapajama ‘ko?”

“Matarik ang bundok na aakyatin natin, kung naka-short ka lang siguradong magagasgasan ang binti mo dahil magtatabas pa tayo ng mga kahoy. At saka makati sa balat ang mga matataas na damong dadaanan natin.”

“Okay, sige.Tara na.”

Dala ni Mark ang isang bag na naglalaman ng mga kakailanganin nila. May dala rin silang tubig at tinapay. Matapos ikandado ang kubo ay nagsimula nang maglakbay ang dalawa paakyat sa bundok.

“Mark, sanay ka na ba sa ganitong buhay?”

“Sa pag-akyat sa bundok?”

“Sa pag-iisa?”

“Ito ang buhay ko.”

“Pero nasaan ang pamilya mo o mga kamag-anak kaya? O, asawa, girlfriend, anak?”

Huminto sa paglalakad si Mark bago tumugon.

“Isipin mo na lang na tulad mo, may amnesia rin ako, kaya wala kang malalaman tungkol sa nakaraan ko.”

Related Posts

“Grabe, ang sungit naman..” bulong ni Diwata sa sarili.

“Nga pala Mark, bakit Diwata ang naisip mong ibigay sa aking pangalan?Mukha ba akong diwata?”

“Oo, isang diwatang ligaw.”

Napakunot-noo ang babae.

Nauna na sa paglakad si Mark.

Maya-maya pa ay huminto sa paglalakad si Diwata.

“O, bakit?” tanong ni Mark nang malingunan nito ang babae.

“Pwede ba magpahinga naman tayo, ang sakit na ng mga paa ko eh…”

“Wala pa tayo sa kalahati ganyan ka na?”

“Ha? Ibig sabihin, malayo pa tayo?”

Hindi sumagot si Mark, sa halip ay luminga siya at naghanap ng malaking puno na pwede nilang pagpahingahan.

“Tara do’n tayo.” Aya niya sa babae.

Sumunod si Diwata. Magkatabi silang naupo ni Mark sa lilim ng malaking puno ng Sampaloc.

Sumandal siya at pumikit. Napatingin sa kanya si Mark.
“O baka naman makatulog ka pa?”
Walang tugon.

“Diwata, magpapahinga lang tayo dito hindi matutulog.”

Wala pa ring tugon.

Pumitik ng daliri si Mark sa harap ng mukha ng babae para magising ito subalit wa epek.

“Ano ba ‘to masandal tulog?”

Pinagbigyan ni Mark na makaidlip ang babae ng ilang saglit at habang nakapikit ito ay hindi niya naiwasan na sulyapan ang maamo nitong mukha na sa pakiwari niya ay masarap titigan.

Maya-maya pa ay ginising na niya ito. Marahan niya itong tinapik sa balikat.

“Uhng..”

“Diwata, gumising ka na, malayo pa ang lalakarin natin.”

Napilitang tumayo ang babae. Nagpatuloy sila sa paglalakad.

“Ganito ba araw-araw ang nilalakad mo?”

“Oo, masasanay ka rin.”

Dahil tirik na tirik ang araw ay pumitas si Diwata ng dalawang malalaking dahon na nadaanan nila at ginawang payong.

“O, sa’yo ‘tong isa.” Inabot ng babae ang isa kay Mark pero tinanggihan ito ng lalaki.
“Sanay na ‘ko sa init, ikaw na lang.”

Hindi na ipinilit ni Diwata ang dahon. Sumunod na lang siya kay Mark sa paglalakad nito.

Maya-maya ay huminto sa paglalakad si Mark. Medyo matarik kasi ang aakyatin nila. Nag-aalala siya na baka hindi ito kaya ni Diwata. Tumingin siya sa babae.

“Wala na bang ibang daan?” tanong ni Diwata.

“Meron, pero doble ang layo sa nilakad natin.”

“Ha? Sige, dito na lang, pero pwede bang alalayan mo ako?”

Hinawakan ni Mark ang kamay ni Diwata.

“Kumapit ka lang.”

Kumapit nga si Diwata sa kamay ng lalaki nang mahigpit. Kabado man, pilit niyang pinapa­kalma ang sarili sa isiping hindi siya pababayaan ng kasama.

Sa wakas ay nalampasan din nila iyon. Matapos ang mainit at nakakapagod na paglalakbay ay narating din nila ang destinasyon nila sa bundok. Habang abala sa pangangahoy si Mark ay panay naman ang punas ng sariling pawis at inom ng tubig ni Diwata. (Itutuloy)