Una sa Balita

Destiny’s Game

By
0 405

Huling labas

Sa presinto na muling nagkaharap sina Mark at Baldo.

“Anong ginagawa mo dito Mark?”

“‘Di ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan, bakit hindi ko nalamang isa ka palang pulis?”
“Dahil magaling akong magtago?”

Natawa si Mark.

“Dumaan lang ako dito para magpasalamat, tapos babalik na ako sa dati kong buhay.”
“Paano si Glaiza?”

“Nangako ako sa kanya na poprotektahan ko si Romel nu’ng araw na ‘yon, pero wala akong nagawa.. siguro mas mabuti kung hahayaan ko na lang muna siya.”

“Tol, ‘wag mong sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ng asawa niya, hindi mo ginusto ‘yon, nagkataon lang na nahuli ka ng dating, nagkakaputukan na at tinamaan na siya. Kapalaran niya ‘yon eh, wala tayong magagawa.”

“Nalulungkot lang ako para kay Glaiza at sa anak niya.”

“Paano kung bumalik siya sa’yo?”

“Hihintayin ko na lang ang araw na ‘yon kapag handa na siya.”

“‘Yan tayo eh!” sabay tapik ni Baldo sa balikat ni Mark.

“Siyanga pala congrats dahil na-promote ka!”

“Salamat kay Sir Romel at ibinilin niya kay Mam Glaiza na ibigay sa’kin ‘yung notebook, dahil ‘yung notebook pala na ‘yon na ibinigay ni Mam Marjorie kay Sir Romel, listahan pala ‘yun ng mga namumuno sa drugs business na ‘yon, may mga opisyal pero karamihan mga businessman talaga ang nagpapatakbo!”

Bilang respeto sa asawa ay hindi na nakipagkita pa si Glaiza kay Mark. Itinuon niya muna ang buong atensyon niya kay Candy. Naniniwala siya sa destiny. Na kung para sila sa isa’t isa ni Mark ay muli silang pagtatagpuin sa anumang paraan.

Makalipas ang dalawang taon. Habang na­ngangahoy si Mark ay biglang may mga kamay na nakipulot sa mga kahoy na kinukuha niya.

Nagulat siya nang mag-angat siya ng mukha.

“GLAIZA!”

Related Posts

“Tama pala ang ni-report sa akin ni Baldo, bumalik ka dito sa kakahuyan at naitayo mo pala ulit ang bahay mo doon sa dating naging bodega?”

Napangiti si Mark.

“Kailangan ba talagang mag-report sa’yo ni Baldo?”

“Well, gusto niya ‘yon eh. Saka galing nga pala ako du’n sa kubo mo, parang walang nabago, ‘yon na ‘yon ang dating kubo mo. Ang nadagdag nga lang ay ang napakaraming pictures ko na idinikit mo sa wall mo. Nagmukha ng wallpaper. Kulang na lang pati sa kisame eh.” natatawang sabi ni Glaiza.

“Ayaw kasi kitang mamiss eh, gusto ko na palagi kitang nakikita kahit man lang sa pictures.”

“Iyon naman pala eh, bakit hindi mo ako pinupuntahan?”

“Nag-aalala kasi ako… teka, ano bang ginagawa mo rito?”

“Iyan ba talaga ang gusto mong itanong sa akin?”

Umiling si Mark.

“Syempre hindi, ang gusto ko sanang itanong ay kung may pag-asa pa ba tayong dalawa?”
Hindi agad sumagot si Glaiza. Nagpalakad-lakad ito at sinundan lang siya ng tingin ng lalaki.

“Dalawang taon tayong nagkalayo at hindi nagkita Mark… pero hanggang ngayon nandito ka pa rin.” Sabay turo nito sa puso niya.

“Ikaw rin naman eh, nanatili ka dito.” Itinuro rin ni Mark ang puso niya.

Iyon lang at humakbang sila palapit sa isa’t isa at nagyakap.

“Magsimula tayong muli Glaiza…”

“Oo Mark, tayong dalawa pero syempre kasama ang anak ko…”

“Oo naman, lahat ng mahal mo, mamahalin ko rin.”

Isang halik ang nagsara sa mga pangakong iyon.

Sa muling paglipas ng panahon ay humantong sa simbahan sina Mark at Glaiza at biniyayaan ng isang supling na lalaki. Pinili nilang manirahan sa Manila at nakapagtayo ng isang negosyo ng mineral water. Ang kubo ni Mark ay naging bahay bakasyunan nila.

It was destiny’s game. But in the end, mga pusong tunay na umiibig pa rin ang magwawagi at hindi makakalimot anuman ang mangyari. (WAKAS)