Una sa Balita

Destiny’s Game

By
0 405

Ika-27 na labas

“Wag kayong mag-alala mam, babantayan ko siya.”

“Salamat po.”

Samantala. Napapalibutan na ng mga pulis ang bodega.

“Ate Marjorie, sumuko ka na, ako to si Romel, nakikiusap ako sa’yo.” Si Romel hawak ang mega phone.

Lalabas na sana ng bodega si Marjorie nang biglang may nagpaputok mula sa kung saan.

Naging mitsa iyon ng palitan ng putok mula sa mga kampo ng pulis at mga tauhan niya.

Nakalapit si Romel kay Marjorie.

“Traydor ka Romel, ikaw ang nagsuplong sa akin!”

“Hindi ako. At hindi rin ako ang traydor, ikaw, sinubukan mong ipapatay ang asawa ko noon dahil sa mga nalaman niya!”

“Ginawa ko ‘yo para sa pamilya natin!”

“Ginawa mo ‘yon para sa sarili mo, hindi ko alam kung bakit pati ang ganitong klaseng negosyo kailangan mong pasukin, napakaraming buhay ang sinisira ng drugs, kung nalaman ko lang agad, ako talaga ang magsusuplong sa’yo!”

“Hibang ka Romel! Hindi mo ba nakita kung gaano kalaki ang naitulong ng negosyong ito sa pamilya natin?”

“Hindi ko kailangan ang yaman na galing sa pagdurusa ng iba!”

Nang biglang matamaan ng baril si Romel.

“ROMEL!”

At ganoon din si Marjorie na ilang sunod na putok ang tumama. Magkasunod silang bumagsak sa lupa. Pilit inabot ni Marjorie ang kamay ng kapatid.

Related Posts

Agad namang nakita ni Mark ang bumaril sa magkapatid. Nakipagpambuno siya dito hanggang sa maagaw niya ang baril nito at mapatay niya.

“R-Romel… p-patawarin mo ako…” pagkasabi niyon ay iniabot ni Marjorie ang isang notebook sa lalaki.

“A-ate…”

“K-kung sakaling m-makaligtas ka…. b-bigay mo… sa p-pulis…” pagkasabi niyon ay pumikit na ang mga mata ni Marjorie.

Subalit malala rin ang tama ni Romel. Naabutan pa siya ni Glaiza na nakahandusay.

“ROMEEELL!”

Umiiyak na nilapitan ni Glaiza ang asawa at dinala sa kandungan niya.

“B-bakit ka pa s-sumunod?”

“Dahil nag-aalala ko sa’yo, Romel ‘wag kang bibitaw!”

Sa loob ng ambulansya.

Mula sa sariling kamay ay inilipat ni Romel ang notebook sa kamay ni Glaiza.

“P-para s m-mapagkakatiwalaang pulis… k-kay B-Baldo…”

“Si Baldo, pulis?”

Marahang tumango si Romel.

“G-Glaiza… i-ingatan mo, si Candy, ang anak n-natin… m-mahal n m-mahal ko kayo…”

“Oo, iingatan ko, pero lumaban ka Romel, malapit na tayo sa ospital…”

Mahigpit na hinawakan ni Romel ang kamay ng asawa hanggang sa unti-unti itong lumuwag.

“ROMEL!” (Itutuloy)