Una sa Balita

Destiny’s Game

By
0 445

Ika-21 na labas

“Bakit ka nandito?” sa wakas ay tanong ng binata.

“Wala naman, napadaan lang ako, according to my source madalas raw kasing napapadaan din dito ang hipag ko.” sabay tingin ni Marjorie ng makahulugan sa lalaki.

“Pinapunta ka ba rito ni Romel?”

“No.” mabilis na sagot ni Marjorie.

Naupo ang babae sa sofa at nagsindi ng sigarilyo.

“In fact, I want to give you an option.”

“Option?”

“Yeah. Kung talagang mahal mo si Glaiza, aayusin ko ang mga dokumento nyo papuntang ibang bansa, magpakalayu-layo kayo.”

Nabigla si Mark.

“Bakit mo naman gagawin ‘yon?”

“Simple lang. Dahil ayoko kay Glaiza. Aayusin ko ang mga dokumento nyo habang abala sa pangangampanya ang kapatid ko, after niyang manalo, you can take Glaiza wherever you want. Isa lang naman ang hihingin kong kapalit, ang ‘wag na kayong bumalik.”

“Magagawa mo ‘yon sa kapatid mo?”

Saglit na nag-isip si Marjorie bago sumagot.

“It’s none of your business. Pag-isipan mo na lang ang offer ko.”

Pagkasabi niyon ay humakbang na palapit sa pintuan ang babae. Muli itong nilingon si Mark bago tuluyang umalis.

“Konting panahon lang ang ibibigay ko sa’yo Mark para malaman ko ang sagot mo.”

Sa likod ng pintuan ng kuwarto ay hindi makapaniwala si Glaiza sa narinig.

Nang makaalis ang babae ay ni-lock ni Mark ang pinto at pinuntahan si Glaiza sa kuwarto.

“Mark, narinig ko lahat…”

“Alam ko, buti na lang at hindi ka lumabas.”

“Mukhang may kinalaman siya sa nangyari sa’kin noon at mukhang nanganganib din ang pamilya ko ngayon.”

“Gusto niyang ilayo kita dahil ayaw niya sa’yo, sa tingin mo ba may iba pa siyang dahilan at plano?”

“Hindi ko alam…pero masama ang kutob ko…”

“Kung meron kang kutob na hindi maganda, bumalik ka na sa pamilya mo at magmanman ka ro’n. Kung kailangan mo ng tulong ko, sabihan mo lang ako agad.”

Tumango si Glaiza.

“Paano kapag binalikan ka niya?”

“Ako ng bahala.”

Related Posts

Isang malakas na sampal ang tinanggap si Glaiza mula kay Romel nang pumasok siya sa kuwarto nila.

“Romel!”

Mariing hinawakan ni Romel ng isang kamay niya ang pisngi ng babae.

“Akala mo ba talaga magagawa mo akong gaguhin?”

“Anong sinasabi mo?”

“Ang sabi mo hindi ka na babalik do’n, pero pinuntahan mo na naman siya!”
Hindi nakasagot si Glaiza.

Marahas na hinubaran siya ni Romel.

“Ito ba ang gusto mo ha, magaling ba siya dito ha?”

“Romel anong ginagawa mo?”

Tila wala sa sariling ipinagpatuloy lang ng lalaki ang paghuhubad sa asawa.

“Gagawin ko ang lahat para mapaligaya ka Glaiza, walang ibang lalaki ang makakapagpasaya sa’yo ng higit sa akin! Ako ang asawa mo at akin ka lang!”
“Utang na loob Romel tumigil ka na!”

Pero walang ibang naririnig si Romel kundi ang panibughong isinisigaw ng puso niya.
“Romel please!”

Ginawa niya ang gusto niya. Buong dahas niyang itinulak ang asawa sa kama at inangkin.

Habang inaangkin ni Romel ay sige ang patak ng luha ni Glaiza.

Kinabukasan. Dinalhan ni Romel ng breakfast in bed si Glaiza.

“Hon, sorry kagabi… hindi ko sinasadya…”

Hindi kumibo ang babae.

“Kumain ka na. Aalis tayo.”

“Saan tayo pupunta?”

“Nag-aaya si Candy, pagbigyan natin siya.”

Palabas na sana ng kuwarto si Romel nang tawagin siya ni Glaiza.

“Romel…”

Lumingon ito.

“S-si Ate Marj… magkasundo ba kayo?”

“Bakit mo naitanong?”

“Wala lang, napansin ko kasi na sa tuwing dumadalaw siya dito parang hindi ka komportable, parang naiinis ka sa kanya.”

“Marami kasi kaming hindi napagkakasunduan ni ate mula pa noong malilit kami, kaya siguro gano’n. Pero wala ka namang dapat ipag-alala tungkol do’n.”

Makalipas ang ilang araw. Palihim na tinawagan ni Glaiza si Mark.

“Mukhang ako lang naman ang gusto niyang maalis sa pamilya nila…” (Itutuloy)