Una sa Balita

Destiny’s Game

By
0 405

Ika-20 na labas

“Natatakot ako para sa’yo. Baka kung anong magawa sa’yo ng Romel na ‘yon kapag nalaman niyang pinuntahan mo na naman ako.”

“Kung natatakot ka para sa’kin, ibig bang sabihin mahal mo pa rin ako?”

Hindi sumagot si Mark.

“Tumingin ka nga sa mga mata ko Mark, at saka mo sabihin sa’kin na hindi mo na ako mahal.”

Hindi makatingin ang binata pero malinaw niyang nasabi…

“Hindi kita minahal Glaiza kaya pwede ba umalis ka na at ‘wag ka nang babalik pa!”

Sa halip na umalis ay niyakap ni Glaiza ang lalaki.

“No, nagsisinungaling ka lang, parang awa mo na magsabi ka ng totoo!” umiiyak na sabi ng babae.

“Huwag mong ibaba nang husto ang sarili mo, tanggapin mo na lang ang mga sinabi ko at ang sitwasyon mo ngayon. Huwag kang mabuhay sa mga kasinungalingan ko…”

Kumawala sa pagkakayakap ni Glaiza si Mark.

“Umalis ka na Glaiza.”

“Please Mark. ‘wag mong gawin sa’kin to…”

Ipagtutulakan pa sana ni Mark ang babae pero sa isang iglap ay nagbago ang isip niya at sa halip ay hinapit ang beywang nito at kinabig palapit sa kanya saka hinagkan ng mariin.

Related Posts

Kasabay ng pag-agos ng mga luha ni Glaiza ay tinugunan niya ang maaalab na halik ni Mark. Naniniwala siyang may kalakip iyon na pagmamahal.

Ang maalab nilang halikan ay nagdulot ng pagdaloy ng kuryente sa kanilang katawan.

Muling nabuhay maging ang apoy sa kanilang mga puso. Kaya naman ang mga sandaling iyon ay pinuno nila ng pagmamahalan na hindi nila mapagtakpan sa isa’t isa. Sa pagsasanib ng kanilang katawan ay muli nilang napatunayan ang pag-ibig sa pagitan nila.

“I love you Glaiza… ikaw pa rin ang Diwata na minahal ko…patawarin mo ako sa mga nasabi ko sa’yo…” halos pabulong na sabi ni Mark habang nakaunan sa braso niya ang babae.

“Oo nasaktan ako, pero hindi naman naniwala ang puso ko eh…”

“Talaga ba?”

“Talagang-talaga…”

Ilang mahihinang katok mula sa labas ang nagpalingon sa kanila sa pintuan ng kuwarto.

“Dito ka lang, ako na ang titingin sa labas.” Ani Mark.

“S-sige…”

Nag-alala si Mark na baka si Romel na iyon. Inihanda na niya ang sarili.

Subalit pagbukas niya ng pintuan ay nagulat siya sa hindi inaasahang panauhin.

“O Mark, parang nakakita ka ng multo. By the way I’m Marjorie.” Sabay abot ng babae sa kamay niya.

Saglit na saglit lang nakipagkamay si Mark. Kusang tumuloy ang babae sa loob.

“Just in case na hindi mo alam, kapatid ko si Romel na asawa ng girlfriend mo.” Anang babae habang umiikot ang paningin sa kabuuan ng bahay. (Itutuloy)