Una sa Balita

Destiny’s Game

By
0 405

Ika-17 na labas

Napansin iyon ni Romel.

“Glaiza, naiintindihan ko na naninibago ka pa, pero kapag bumalik na sa dati ang lahat, I’m sure mas magiging masaya ka sa piling namin ng anak mo kaysa sa lalaking ‘yon. At saka nga pala, masanay ka na sa tunay mong pangalan na Glaiza, hindi na ikaw si Diwata ngayon.”

Sasagot sana ni Diwata nang pareho silang mapalingon ni Romel sa dumating. Si Marjorie.
“GLAIZA!” nilapitan nito at bineso si Glaiza.

Iba ang naramdaman ni Glaiza kay Marjorie.

“Ate, anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?” tanong ni Romel.

“Ano ba namang klaseng tanong ‘yan Romel, nabalitaan ko na nandito na ang asawa mo kaya nandito ako ngayon.”

Nagkatinginan ang mag-asawa bago nagsalita si Glaiza.

“Halika, saluhan mo kaming kumain.”

“No thanks Glaiza, gusto ko lang kausapin si Romel pagkatapos ninyong kumain.”
Sa terrace ng malaking bahay nag-usap ang magkapatid.

“Anong balak mo ngayon Romel?”

“Kailangan ako ng asawa ko ate, gusto ko munang pagtuunan ang pagpapagamot sa kanya.”

“For God sake, nakabalik na ang asawa mo at mukhang okay na okay naman na siya, ano pa bang pinoproblema mo? Kailangan ka rin namin ni papa!”

“Hindi siya okay ate, hindi niya kami naaalala ni Candy!”

“Hindi ba talaga? O baka naman sadyang kinalimutan lang niya kayo dahil nga may mahal na siyang iba!”

“Shut up!”

Galit na itinuon ni Rommel ang dalawang kamay niya sa pasimano.

“Okay, fine, relax. If you want, ako na muna ang bahala sa asawa mo, ako na ang magdadala sa kanya kay Doctor Mendez.”

Mabilis ang naging sagot ni Romel.

“No thanks ate, alam ko naman na hindi mo gustong gawin ‘yan.”

“Alam mo grabe ka sa ‘kin, oo aminado ako na hindi ko naman talaga gusto ang asawa mo, alam mo ‘yan, pero wala naman akong magagawa ‘di ba, she’s still your wife, and willing akong tulungan siya ngayon for your sake!”

“Mag-usap na lang ulit tayo after kong makausap si Doctor Mendez. For now, kailangan na naming umalis.”

Pagkasabi niyon ay tinalikuran na ni Romel si Marjorie.

Sa Klinika ni Dr. Mendez. Matapos nitong suriin si Glaiza ay kinausap niya ng sarilinan si Romel.

“May mga isasagawa pa akong test sa kanya, pero base sa mga sinabi niya sa’kin, mukhang hindi naman tayo mahihirapan na ibalik ang memories niya, in fact, nakikita niya sa mga panaginip niya ang mga bagay na magpapaalala sa kanya sa nakaraan.”
“Like what?”

“Madalas daw niyang napapanaginipan si Candy before pa niya kayo makita. At nakikita rin niya sa panaginip niya ang inyong kasal.”

Napatango si Romel. Kahit paano ay nabuhayan siya ng loob.

Gabi. Nakahiga sa tabi ni Candy si Glaiza nang kumatok si Romel sa silid.

Related Posts

Bumangon si Glaiza at binuksan ang pinto.

“Tulog na ba siya?” tanong ni Romel na ang tinutukoy ay ang anak.

“Oo, kanina pa, binasahan ko siya ng story.”

“That’s good, dati mo naman yung ginagawa sa kanya eh.”

Saglit na katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Romel.

“Glaiza, pwede bang doon ka na matulog sa kuwarto natin?”
Hindi agad nakasagot si Glaiza.

“Please?”

Marahang tumango ang babae bilang tugon.

Malaki at maganda ang kuwarto ng mag-asawa. Kinuha ni Romel ang photo album at ipinakita kay Glaiza ang masasayang pictures nila kabilang ang wedding picture. Magkatabi silang naupo sa gilid ng kama.

“Look, you really look so gorgeous here sa wedding natin.”

Tahimik lang si Glaiza.

“And here, this is Candy’s first birthday!”

Napangiti ang babae.

Ang sumunod na ipinakita ni Romel ay nagdala ng kalungkutan sa mukha nito.

“At ito naman yung last picture natin together, we’re having dinner here in our favorite restaurant…tapos kinabukasan, after work, pag-uwi ko dito sa bahay sabi nila may sumundo raw sa’yo…”
“Sino raw?”

“Walang nakakita, dahil ang nakita na lang ng mga maids, ay nung pasakay ka ng gray car hila-hila ng isang kamay at mabilis na rin itong nakaalis…”

Napaisip si Glaiza.

“Nagsisi ako that time dahil sira ang cctv cam no’n dito sa house…pero ‘wag kang mag-alala Glaiza, hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod ng mga nangyari sa’yo.” Ani Romel.

“Wag na muna nating pag-usapan ‘yan, gusto ko munang gumaling ako, kapag magaling na ‘ko malalaman natin ang lahat.”

Hinawakan ni Romel ang kamay ng asawa.

“I just want you to know na kahit nawala ka sa akin, hindi ka nawala sa puso ko.”
Walang tugon mula kay Glaiza.

Unti-unting inilapit ni Romel ang mukha niya sa mukha ng babae. Pakiramdam ni Glaiza ay napapaso siya. Nakakaramdam siya ng pagkailang. Pero tila hindi papipigil si Romel sa nararamdaman.

“I missed you so much hon…”

Wala pa ring tugon mula sa babae. Hanggang sa lumapat ang mga labi ng asawa sa labi niya. Marahan niyang itinulak ang lalaki palayo.
“Bakit?”

“I-I’m sorry Romel…”

“Naiisip mo ba ang lalaking ‘yon?”

Umiling si Glaiza.

“Kung gano’n hayaan mong iparamdam ko sa’yo ang pagmamahal ko, after all, you’re still my wife and I am your husband…”

Napapikit si Glaiza. Wala na yata siyang magagawa kung ‘di tanggapin na lang ang sitwasyon niya ngayon. Wala na siyang magagawa kung ‘di magpaubaya sa lalaking tunay na nagmamay-ari sa kanya. (Itutuloy)