Una sa Balita

Destiny’s Game

By
0 405

Ika-13 na labas

“Oh no, sabi ko na nga ba, wala na siya rito pero hinahadlangan pa rin niya ang mga plano mo, so what are you trying to say ha? Na iikot na lang ang mundo sa paghihintay sa pagbabalik niya? For God sake Romel, wake up, she’s gone and you have to go on! Isipin mo si Candy, she looks up to you, at ano ang aasahan niya sa’yo, you’re just a loser!”

“Sorry ate…”

“No, you don’t have to be sorry, walang mababago sa plano Romel, nasabi ko na ito kay Papa at hindi siya papayag na iiwan mo na lang kami sa basta sa ere, please make up your mind, okay?”

Hindi sumagot si Romel.

Umaga. Ilang katok ang nagpamulat sa mga mata ni Mark. Maingat niyang iniangat ang ulo ni Diwata na nakaunan sa braso niya palipat sa unan. Tumayo siya at lumabas ng kuwarto.

“Sino ‘yan?” Tanong niya habang palapit sa pinto.

“Si Kapitan ito.”

“Ahm sandali lang ho kap, magbibihis ako.”

Naalarma si Mark. Bumalik siya ng kuwarto at ginising si Diwata.

“Mahal, ‘wag kang lalabas, nandito si kapitan, ayokong makita ka niya okay?”

Tumango ang babae.

Pinagbuksan ni Mark ng pinto ang kapitan.

“Kap, tuloy ho kayo.”

“Magandang umaga Mark, sinadya talaga kita, kasi may offer ako sa’yo.”

Pinaupo ni Mark ang matandang kapitan.

“Ano ho ‘yon?”

“May nahanap ka na bang malilipatan?”

Saglit na nag-isip ang binata bago sumagot.

“Wala pa ho, pero sana bigyan niyo naman ako ng sapat na panahon.”

“Hindi na kailangan, kasi ‘yung kapatid ko magma-migrate na sa America, ‘yung bahay niya sa bayan, wala nang titira do’n, kaya kung gusto mo dumoon ka na muna, at ibibigay ko sa’yo sa mababang renta, mas mababa kaysa dito!”

“Sige ho, pag-iisipan ko.”

“Ano ka ba naman Mark, kailangan mo pa bang pag-isipan ‘yon? Aba’y swerte ka na ro’n!”

Mula sa likod ng pinto ng kuwarto ay nakadikit ang tenga ni Diwata at nakikinig sa usapan.

Nang makaalis ang kapitan ay kinausap niya ang binata. Naupo siya sa tabi nito.

“Anong pasya mo Mark?”

“Hindi ko alam… sa totoo lang, ayoko talagang iwan ang kubong ito eh…”

Hinawakan ni diwata sa balikat ang lalaki.

“Alam ko, pero mukhang wala ka namang pagpipilian eh, kung ayaw mo do’n sa offer ni kap e ‘di maghanap na lang tayo ng iba.”

“Inaalala ko pati, baka may makakita sa’yo sa bayan, baka may makakita sa’yo nang hindi pa natin nalalaman kung anong panganib ang naghihintay sa’yo bilang si Glaiza.”

Related Posts

“Wag kang mag-alala, as soon as possible aalam­in na natin, pagtulungan nating alamin para hindi na tayo nangangamba ng ganito, para mapa­natag na tayo.”

Lingid kay Diwata, nagpapabigat din sa alala­hanin ni Mark ang katotohanan na may pamilya na ang babae. At sa oras na malaman nito ang katotohanan ay siguradong matatapos na ang kahibangan niya sa pag-angkin sa babaeng pag-aari na ng iba.

Walang nagawa si Mark kundi tanggapin ang alok ni kapitan. Nang makuha niya ang susi ng bahay kay kapitan ay lumipat sila ni Diwata sa dis oras ng gabi upang walang makakita sa kanila.

“Mukhang okay naman pala itong apartment na’to, mas malaki sa kubo mo at may mga puno din sa paligid oh!” sabay silip ni Diwata sa bintana.

“Mukha nga, ang hirap lang talagang iwan ang napamahal na sa’yo ‘di ba?”

“Naiintindihan naman kita do’n, pero tingnan mo, kahit may nawala sa’yo, maganda naman itong pumalit.”

“Kunsabagay, ano pa bang mahihiling kung nasa akin na ang pinakaimportante ngayon sa buhay ko?” sabay hawak ni Mark sa magkabilang pisngi ni Diwata at masuyo itong hinagkan sa labi.

“Teka, gusto mo bang binyagan natin ang apartment na’to?”

“Gusto ko ‘yang idea mo…”

At sa isang saglit ay pinuno nila ng pagmamahalan ang apartment na ‘yon.

Binisita ni Marjorie ang pagtatayuan ng bodega nila.

“Okay naman pala talaga ang lugar na’to. Kapitan, malayo pa po ba ang pinakadulo nito?”

“Actually, dulo na’to, pero kung gusto mong marating ang tuktok ng bundok, medyo malayu-layo pa rin. Kaya lang hindi na puwedeng pagtayuan ang banda roon.”

“Ah, it’s okay.”

Dumistansya si Marjorie sa kapitan nang lapitan siya ng isa sa pinagkakatiwalaan niyang tauhan.

“Mam, may nakuha po akong impormasyon, may nakatira daw ditong isang matandang binata, mga nasa kuwarenta mahigit na raw ang edad, at may kinakasama raw na babae. Pero pinaalis na raw ni kapitan dahil nga sa pagbebenta nitong lupang kinatitirikan nu’ng bahay.”

“Saan mo nakuha ang impormasyon na ‘yan?”

“Sa isa pong mangangahoy, isa rin kasing mangangahoy ang tinutukoy niyang lalaki na nagngangalan daw hong Mark.”

“Sige, gusto kong kumpirmahin mo ang balitang ‘yan, alamin mo kung saan lumipat ang Mark na ‘yon at alamin mo kung sino ang babae na kinakasama niya, kilala mo naman si Glaiza kaya kailangan makita mo ‘yung babae.”

“Opo mam.”

Lingid kay Marjorie.

“Sir, si Baldo ‘to, ako po ‘yung bagong tauhan ni Mam Marjorie, alam ko na po kung anong impormasyon ang ibinigay ni Lando, tama po ang hinala n’yo, may kinalaman sa asawa n’yo.”

“Sige, sabihin mo sa’kin Baldo.”

Matapos ipagbigay-alam ni Baldo ang nalaman niya ay nagtagis ang bagang ni Romel.

“Kapag napatunayan ko na may ginawa kang hindi maganda sa asawa ko, hindi kita mapapatawad ate…” bulong nito sa sarili.

Samantala.

“Mahal, ipinagluto kita ng carbonara!” si Diwata na napangiti nang makita si Mark palabas ng silid.

“Talaga?”

“Oo, kaya halika na at tikman mo kung papasa sa panlasa mo!”

Naupo si Mark sa table at agad tinikman ang niluto ng babae.

“Hmmmm…”

“O, ano nagustuhan mo ba?” (Itutuloy)