Una sa Balita

Destiny’s Game

By
0 445

Ika-12 na labas

“Kaya po ba pinapalabas na lang natin na nagbabakasyon siya sa America?”

Abante Hiring – IT dep

“Oo, kaya kahit sa mga classmates mo, wala kang pagsasabihan ng totoo ha.”

“Opo daddy.”

“Anak, alam ko naguguluhan ka pa sa ngayon, pero paglaki mo maiintindihan mo rin lahat.”

Tumango ang bata.

“Good girl, o sige na, pumasok ka na sa room mo.”

Magkatulong na gumagawa ng uling sina Mark at Diwata.

“Diwata, okay lang ba sa’yo kung hindi kita tatawagin sa tunay mong pangalan na Glaiza?”

“Ano ka ba naman, syempre oo, saka isa pa, hindi ko pa naman kilala ang sarili ko…ako bilang Glaiza…”

“Hindi ka ba naku-curious kung anong klaseng buhay meron ka noon?”

“naku-curious din…kaya lang kasi un curiousity ko natatabunan ng sobrang pagmamahal ko sa’yo.”

Napangiti si Mark.

“Sige panindigan mo ‘yan ha.”

“Basta paninindigan mo rin ako.” Nakangiti ring tugon ni Diwata.

Hindi na kumibo ang binata.

Nang maibenta na ang mga ginawang uling ay plano ni Mark na mag-celebrate sila ni Diwata.

“Wow pizza?” tuwang-tuwang sinalubong ni Diwata si Mark sa pintuan.

“Oo, bumili ako ng pizza, at ipagluluto rin kita ng pasta!”

“Talaga, bakit ang dami naman?”

“Ito na kasi ang dinner natin, para maiba naman.”

“Sige, tutulungan kitang magluto!”

“Hindi na, wala kang ibang gagawin kung ‘di panoorin ako, at kumain kapag luto na.”

Niyakap ni Diwata ang lalaki sa likuran ng buong lambing.

“Kaya labs na labs kita eh!”

Humarap naman ang lalaki at tinugunan ang yakap niya.

“Mahal na mahal rin kita…” sabay halik nito sa noo ng babae.

Nang araw na iyon hindi inaasahan ni Mark ang bisita niya. Sinalubong niya ang lalaki sa bukana ng bakuran.

“Kapitan?”

“Mark, kumusta ka na dito?”

“Ayos naman ho, bakit ho napadalaw kayo?”

“Kasi may sadya ako sa’yo na importanteng bagay.”

“Ano ho ‘yon?” kinakabahan si Mark na baka makita ng kapitan si Diwata kaya napapalingon siya sa bahay.

“Tungkol dito sa lupang kinatitirikan ng kubo mo, kasi alam mo naman na may kasunduan tayo diba?”

Related Posts

“Teka kapitan, tumutupad naman ako sa kasunduan natin ah, binabayaran ko kayo kada buwan para sa renta ng lupa, tapos hinahatian ko rin kayo sa kita mula sa mga manok ko, ano hong problema?”

“Walang problema sa mga nabanggit mo, ang problema, itong bahagi ng kakahuyan ay may gustong bumili.”

“Ano?”

“Pinag-isipan kong mabuti, kaya lang malaking halaga kasi ang pinag-usapan kaya nagpasya ako na ibenta na lang.”

“Pero sino naman ang magkakainteres sa dulong bahagi na’to ng kakahuyan?”

“Isang prominenteng pamilya sa Maynila na gustong magtayo ng bodega ng negosyo nila rito.”

“Taga-Maynila pero dito gustong magtayo ng bodega, ‘di ba kahina-hinala ‘yon?”

Tinapik ni kapitan si Mark sa balikat.

“Mark, labas na tayo do’n, ang importante pareho tayong makikinabang, ‘wag kang mag-alala may porsyento ka sa mapagbebentahan at babayaran ko ng bukod itong kubo mo.”

Napahugot ng malalim na buntong hininga si Mark. Alam kasi niyang walang magagawa ang pagtutol niya.

Nalungkot din si Diwata. Naupo ito sa tabi ni Mark sa sofa.

“Pa’no na ‘yan, ano ngayon ang balak mo?”

“Hindi ko alam Diwata…hindi ako makapag-isip…ang tagal ko ng naninirahan dito…masyado ng napamahal sa’kin ang lugar na’to, at inisip ko na dito na rin ako mamamatay…”

Hinawakan ni Diwata ang kamay ng lalaki.

“Siguro ganito talaga ang buhay, may mga pagbabago na hindi natin inaasahan…”

“Mas gusto ko yung pagbabago nang dumating ka sa buhay ko…pero bukod do’n, wala na akong gustong mabago pa…”

“Alam ko, gano’n rin ako, pero mapipigilan ba natin ang tadhana?”

Si Mark naman ang humawak sa mga kamay ng babae.

“Mahal kita, at gagawin ko ang lahat para hindi ka mabawi sa akin ng tadhana.”

Natawa si Diwata.

“Ang lalim naman no’n, tama na nga ang drama. Mag-isip tayo ng solusyon sa problema mo, sa problema natin.”

May kausap si Marjorie sa cellphone.

“Nagawan ko na ng paraan yung problema natin sa bodega,mainit tayo sa mga subdivision ngayon kaya lalayo muna tayo, may binibili akong lupa sa Laguna, doon mismo sa lugar ng kakahuyan kung saan nyo huling nakita si Glaiza. Malawak raw at liblib ang kakahuyan na ‘yon kaya solve na ang problema natin sa bodega para sa mga marijuana at shabu pansamantala, at the same time matututukan nyo na rin ang paghahanap sa babaeng ‘yon sa lugar na ‘yon. By the way, wag na kayong magpupunta rito sa opisina ko dahil maraming mata ang nakamasid, tatawagan ko na lang kayo kapag may kailangan ako at kung may sasabihin kayong importante kontakin nyo na lang ako sa number na’to.”

Ilang katok ang nagpalingon kay Marjorie sa pintuan.

“O sige na, tatawag na lang ulit ako.”

Pinatay na nito ang cellphone .

“Come here.”

Si Romel.

“Ate Marj, nagkausap na ba kayo ni papa?”

“Nasa out of town seminar pa siya. Why?”

“I had to change my mind…”

“What? Are you out of your mind?”

Naupo si Romel sa table.

“Hindi kasi ako maka-focus, iniisip ko pa rin si Glaiza…”

Nasapo ni Marjorie ang sariling noo. (Itutuloy)