Una sa Balita

Destiny’s Game

By
0 447

Ika-11 na labas

“Buti pa doon na tayo sa loob, gusto mo bang masahe para mawala ang mga alalahanin mo?” malambing na tanong ng babae.

“Okay, pero may iba akong gustong gawin kaysa sa masahe na mas makakapagparelax sa’kin…”

Sabay halik ni Mark sa batok at teynga ng babae.

“Oo na, sige na, alam ko na ‘yan, kaya tara na sa loob…”

“Romel, malapit na ang simula ng pangangampanya, wag mo namang sabihin na hanggang ngayon pinag-iisipan mo pa rin ang posisyon na inaalok sa’yo ni papa?” si Marjorie.

Dinalaw niya sa bahay ang kapatid. Mas matanda siya ng limang taon dito.

“Don’t worry, napag-isipan ko na ‘yan.”

“Good. Kung gano’n gusto kong marinig ang sagot mo.”

“Oo na, tatakbo na akong mayor.”

Lumuwang ang pagkakangiti ni Marjorie sa narinig. Dati siyang konsehala sa bayan nila at tumakbong mayor pero natalo. Ang papa naman nila ni Rommel ay dating mayor na nakatapos na ng termino. Kaya ngayon ay puspusan ang pangungumbinsi nila kay Rommel na siyang pumalit sa ama upang mabawi nila ang kapangyarihan sa kanilang lugar.

“Sa wakas, akala ko tatanggi ka na naman eh. Kung nandito ang asawa mo siguradong pipigilan ka na naman no’n at magpapapigil ka naman.”

Natigilan si Romel nang mabanggit ni Marjorie ang asawa niya.

“Sorry Romel kung nabanggit ko na naman siya, siya lang naman kasi ang palaging humahadlang sa mga plano ng pamilya natin eh.”

“Tama na ate.”

“Okay fine. So pa’no, sasabihin ko na kay papa ang good news na’to para mapaghandaan ng partido natin?”

“It’s up to you.”

Nang makaalis si Marjorie ay patakbong lumapit si Candy sa daddy niya.

“Daddy, daddy, totoo ba ang narinig ko? Papayag ka na maging mayor?”

“Papayag na akong kumandidato anak, walang kasiguruhan kung mananalo, pero at least magiging busy si daddy, hindi ko na masyadong maiisip si mommy mo.”

“Bakit daddy, gusto mo na ba talagang kalimutan si mommy?”

Related Posts

“Syempre hindi anak, kaya lang mababaliw na ako kakaisip sa kanya… kung saan na ba siya napunta, ano ng nangyari sa kanya… kung okay lang ba siya…”

“Okay daddy, naiintindihan na po kita… namimiss ko na rin po si mommy… sana bumalik na siya sa’tin… bakit kasi hindi pa natin siya ipanawagan sa radio o kaya po sa t.v.?

Hinawakan ni Romel sa magkabilang balikat ang anak.

“Anak, ayaw kasi ni daddy na pagpiyestahan tayo ng mga kalaban natin sa pulitika, pero diba pinapahanap na naman siya ni daddy, at ni Tita Marj mo, kaya makikita rin natin siya.”

“Kaya po ba pinapalabas na lang natin na nagbabakasyon siya sa America?”

“Oo, kaya kahit sa mga classmates mo, wala kang pagsasabihan ng totoo ha.”

“Opo daddy.”

“Anak, alam ko naguguluhan ka pa sa ngayon, pero paglaki mo maiintindihan mo rin lahat.”

Tumango ang bata.

“Good girl, o sige na, pumasok ka na sa room mo.”

Magkatulong na gumagawa ng uling sina Mark at Diwata.

“Diwata, okay lang ba sa’yo kung hindi kita tatawagin sa tunay mong pangalan na Glaiza?”

“Ano ka ba naman, syempre oo, saka isa pa, hindi ko pa naman kilala ang sarili ko… ako bilang Glaiza…”

“Hindi ka ba naku-curious kung anong klaseng buhay meron ka noon?”

“Naku-curious din… kaya lang kasi un curiousity ko natatabunan ng sobrang pagmamahal ko sa’yo.”

Napangiti si Mark.

“Sige panindigan mo ‘yan ha.”

“Basta paninindigan mo rin ako.” Nakangiti ring tugon ni Diwata.

Hindi na kumibo ang binata.

Nang maibenta na ang mga ginawang uling ay plano ni Mark na mag-celebrate sila ni Diwata.

“Wow pizza?” tuwang-tuwang sinalubong ni Diwata si Mark sa pintuan.

“Oo, bumili ako ng pizza, at ipagluluto rin kita ng pasta!”

“Talaga, bakit ang dami naman?” (Itutuloy)