Una sa Balita

Destiny angat sa dynasty!

0 313

Raptors kampeon; Kawhi Finals MVP

SA unang pagkakataon, uuwi ng Canada ang Larry­ O’Brien Trophy.

At sa unang pagkakataon sapul nang suma­li sa liga noong 1994, NBA champions ang Toronto Raptors.

Itinumba ng Raptors ang Golden State Warriors sa Game 6, 114-110, para sikwatin ang kauna-unahang titulo ng prangkisa. Ginawa ‘yun ng Raptors sa Oracle Arena.

Uuwi ng Canada ang Larry O’Brien Trophy, sa mismong bansa na unang­ pinaglaruan ng NBA noong 1946.

Tinalo ng destiny ng Raptors ang dynasty ng Warriors.

Si Kawhi Leonard ang tinanghal na Finals MVP, pangalawa niya kasunod noong 2014 habang nasa San Antonio pa. May dalawang championship ring na sila ni Danny Green, kasama niyang lumipat mula Spurs papuntang Toronto noong offseason.

Sa unang taon nina Leonard at Green sa Toronto, kampeon ang Raptors. Si Marc Gasol, apat na buwan matapos mai-trade sa Raptors mula Memphis, kampeon na. Sina Pascal Siakam, Fred VanVleet, Kyle Lowry, Serge Ibaka at ang Raptors na walang top 15 pick sa roster, champions na.

Natapos ang dalawang­ taong paghahari ng Warriors nang sumablay ang tira ni Stephen Curry sa last possession nila, 9 seconds sa orasan habang naiiwan 111-110.

Kabyos si Curry, nadamba ni Draymond Green ang scramble sa rebound.

Tumawag si Green ng timeout na wala naman dahil naubusan na ang Golden State, ipinasok ni ­Leonard ang technical free throw 112-110 Raptors na napanatili pa ang posesyon 0.9 ticks na lang.

Na-foul se Leonard, kalmadong binaon ang free throws at nagdiwang ang buong Canada.

Tumapos ng 26 points at 10 rebounds si Siakam, 26 points at 10 assists kay Lowry. May tig-22 markers sina Leonard at VanVleet. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy