Una sa Balita

Destinasyon sa FEU — Pascua

Dinastiya sa DLSU — De Jesus

By
0 1,226

ITO ang nakaamba sa De La Salle University at Far Eastern University sa rambol sa korona ng 80th University Athletic Association of the Philippines 2017-18 women’s indoor volleyball tournament.

Sisimulan ng dala­wan­g astig na DLSU Lady Spiker­s at FEU lady Tamaraws ang best-of-3 finals showdown sa darating na Sabado, Abril 28 sa Smart Araneta Coliseum. Sa nasabing Quezon City playing venue rin ang Game 2 sa Miyerkoles, Mayo 2. At kung may Game 3 sa Sabado, May 5.

Nananatiling liyamado ang grandslam-seeking Taft-based squad tapos walisin sa two-round eliminations ang mga balibolista ng Morayta parehong sa The Arenak, San Juan City noong Araw ng mga Puso (25-22, 25-17, 24-26, 23-25, 15-7) at Marso 19 (25-17, 21-25, 16-25, 25-20, 15-5).

At para sa mga Lasalista, kailangang maipagpatuloy ang pagragasa upang maidepensa ang huling dalawang edisyong nakopong trono na maging ika-11, lahat sa ilalim ni coach Ramil de Jesus para sa dynasty sa liga.

Kay Coach George Pascua, naman, tapusin ang may siyam na taong taggutom sa titulo ng Far Eastern para maibalik sa destinasyon ang kampo na may 29 nang nasuwag na rin ng kampeonato rito.

Magsisilbing pampalabok ang angasan nina De Jesus at Pascua na bilang dating mga player noon sa Tams nang yumaong magaling ding FEU coach na si Florentino ‘Kid’ Santos.

Sa rookie year ni Pascua, last year na ni De Jesus, nadale ng Tamaraws ang 1991-92 UAAP title kasunod ng isa pa sa sophomore year ng una noong 1992-93.

Sa pros, 2-0 sa PSL championship ang dalawa, pabor lahat kay Pascua.