Una sa Balita

Destab plot?

By
0 25

Mayroon ba talagang ‘destabilization plot’ ang mga tinatawag na ‘dilawan’ at ang puwersa ng pulahan o ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) ?

Iyon ang paniwala ni Pangulong Duterte na nagsanib na ng puwersa ang dalawang kampo para siya pabagsakin sa puwesto.

Pero halos lahat ng politikong dilawan ay naglipatan na ng partido at umanib na kay Duterte. At bilang Commander-in-Chief, alam ng pangulo ang kahinaaan ng CPP-NPA. 

Kaya totoo ba ang plot na ito? Abangan natin ang pahayag ng intel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) tungkol sa planong ito.

Kung hindi man, bakit madalas itong banggitin ni Duterte? Dahil mahihirapan ang sinumang grupo na magtagumpay kung ‘di bumababa sa 70 porsyento ang suporta ng taumbayan sa pangulo tulad ng lumabas na resulta ng survey Social Weather Station (SWS) o Pulse Asia man.

Anuman ang sabihin ng kanyang mga kritiko, tanggapin pa rin na isa pa rin siyang popular na Presidente.

BALITAWIT

Maging kanyang anak na Mayor na si Sara Duterte ay ‘di matanggap ang mga kritiko ng kanyang ama.

Related Posts

Tinawag niya sina Sen. Antonio Trillanes, Kiko Pangilinan, at Risa Hontiveros na mga oportunista matapos na humingi ng basbas ni Duterte noong siya pa ang alkalde ng Davao City sa nagdaang halalan.

WARAY, WARAY (awiting pinasikat ni Slyvia La Torre)

Inday, Inday, si Inday Sara
Waray, Waray, may inaaway
Mga critic ng kanyang tatay
Kay Inday, may latay!

Inday Sara, tawag sa akun…
Sa bakbakan, diri magurong…
Kayong tatlo na humahamon
Lagot kayo kay Digong

I.

Noon pala itong si Kiko..
Si Risa at si Antonio…
Lahat sila ay nagmamano…
Kapalit ng mga boto…

Pero ngayon ay ino-okray…
Nitong tatlo… kanyang tatay..
Kaya ngayon ay lumalaban
Naghahamon pa ng away!

Inday, Inday, si Inday Sara
Waray, Waray, may inaaway
Waray, Waray, ay kinalamay,
Kay Inday, Manigas!

Inday Sara, tawag sa akun…
Sa bakbakan, diri magurong…
Kayong tatlo na humahamon
Lagot kayo kay Digong