Una sa Balita

Desisyon sa Maguindanao massacre pinalawig ng 1-buwan

0 322

PINAYAGAN ng Supreme Court (SC) ang kahilingan ni Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes na bigyan pa ito ng palugit na 30 araw para sa ilalabas na desisyon laban sa mga akusado sa Maguindanao massacre.

Inaprubahan ni Chief Justice Diosdado Peralta ang kahilingan ni Judge Solis-Reyes ng QC Regional Trial Court Branch 221 ng karagdagang sapat na panahon para masusing mapag-aralan pa ang magiging desisyon laban sa mga akusado na responsable sa pagpatay sa may 58 katao, na kinabibilangan ng 32 mga mamamahayag may 10 taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Court Administrator Midas Marquez, mula sa orihinal na November 20 ‘deadline’ ay binigyan pa ng palugit na 30 araw o isang buwan ni Justice Pe­ralta si Judge Solis-Reyes para desisyunan ang Maguindanao Massacre cases, at ito ay “non-extendible” o hindi na palalawakin pa.

“In the case of Judge Jocelyn Reyes, you know very well that there are so many accused and there are so many victims in that case. We also allow meritorious motion for extension and we understand her predicament,” he said, but noted that the motions for extension are the “exception rather than the rule,” paliwanag ng Chief Justice.

“We understand her plight and I hope that she will no longer ask for another extension so that before the end of the year, those cases will be finally decided,” dagdag pa nito.

Sa panig ni Judge Solis-Reyes, gagawin umano niya ang abot ng kanyang makakaya at masusing pag-aaralan ang kanyang magiging desisyon upang makamit ng mga biktima ang matagal nang inaasam na hustisya at mabigyan din ng ‘due process’ ang mga akusado.

Samantala, handang maghintay ang pamilya ng mga biktima ng Maguinda­nao massacre kahit ipinagpaliban ang desisyon.

Anila, maiksi lang ang isang buwang paghihintay kumpara sa 10-taon na pakikipaglaban para sa katarungan ng mga biktima.

Nabatid sa court records, 197 ang kinasuhan, 15 ang kabilang sa pamilyang Ampatuan habang ang iba ay patuloy pang nakalalaya. Sa mga ‘trial’ may 357 testigo ang nagbigay ng testimonya at mga ebidensiya. (Dolly Cabreza/Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy