Una sa Balita

Desiderio, Akhuetie ibinawi ang UP vs UST

AMANOS

By
0 91

Mga laro ngayon:
(Big Dome-QC)
2:00 n.h. – FEU vs NU
4:00 n.h. – DLSU vs ADMU

NAGKUNTSABAHAN sina Bright Akhuetie, Paul Desiderio at Juan Gomez de Liaño sa pinagsanib na 52 points para ibawi ang University of the Philippines kontra University of Santo Tomas,83-69, sa 81st University Athletic Association of the Philippines men’s basketball 2nd round elims kagabi sa Big Dome sa Quezon City.

Doble-dobleng kayod na 26 points at 18 rebounds ang tinrangko ni Akhuetie 29:29 job, agapay si Desiderio ng 19 pts. at 8 rebs. habang bakas si De Liaño ng 11 markers, 6 boards at 5 assists para maiganti ng State U ang 72-86 1st round elims loss sa USTe saktong 1 buwan na ang nakalilipas.

May katamlayan pa sa magkabilang dulo ng court ang UP Fighting Maroons kumpara sa UST Growling Tigers sa first half. Pero sumobra ang pagsingasing sa sumunod, lalo na sa final quarter kung saan nakalayo ito sa 21.

Laking kawalan si rookie star CJ Cansino na nagka-left knee sprain sa 5:57 ng first half tungo sa 3rd straight defeat ng España-based basketeers, napako sa ika-7 puwesto sa pangkalahatang 5-8 win-loss record, at sinamahan sa pag-eksit sa Final 4 ang National University (3-9) at University of the East (1-12).

Bumangon naman ang Adamson University mula sa 1st quarter 17 points down para muli ring tagpasin ang University of the East sa likod ng petmalung 23 pts., 4 rebs. at 2 asts.