Una sa Balita

Derrick, wala pang karanasan sa bading!

By
0 26

Pinaka-talented? “Ako po.”

Pinakamagaling umarte? “Kukunin ko rin po… hindi, siguro ibibigay ko kay Rocco (Nacino).”

Pinaka-delicious? “Ako pa rin po.”

Pinakamagandang abs? “Ako po.”

Pinaka-walang karanasan sa sex? “Feeling ko ako rin po, kasi ako ang pinakabata sa lahat.”

Pinaka-yummy para sa mga bading? “Ah ako, sure ako run!”

Ilan lang ‘yan sa mga naisip na i-fast talk kay Derrick Monasterio ng ilang press sa nakaraang presscon ng Oh Boy!, ang kanilang Music Museum concert nina Rocco, Jake Vargas at Aljur Abrenica sa September 23.

Hindi lang mga Kapuso singers ang apat, pero kilala rin sila na ke­ring magpakita ng katawan at magpa-sexy sa harapan ng audience kaya inaasahan na magiging witty and sexy ang concert ng apat, true to the concert’s title na Oh Boy!.

Anyway, sanay na ang ilan sa mga ka­kilala o kaibi­gang press ni Derrick na kapag ito ang kausap, talagang lahat halos ng tanong ay sinasagot. Ka­tulad ng fast talk na ito, hindi rin namin sure kung gaano kaseryoso at katotoo si Derrick sa mga sagot niya, huh!