Una sa Balita

Derrick tinalbugan ang mga Kapamilya sa Santacruzan

0 604

abante-talbog-joe-barramedaMainit na ti­nanggap si Derrick Mo­nasterio ng mga taga-Barangay Sto. Rosario, Macabebe, Pampanga noong May 1, kung saan isa siya sa mga naging konsorte ng annual Santacruzan na sponsored by the Musni Family.

Kasama ni Derrick sina Yvez Flores at Gab Lagman ng ABS-CBN. Pero mas mainit ang response ng mga taga-Macabebe kay Derrick na wala namang sawa sa pakikisalamuha sa mga tao at pinagbibigyan lahat ang mga gustong magpa-picture sa kanya.

Medyo malayo-layo rin ang binagtas ng mga lumahok sa Santacruzan pero tiniis nila ang init ng panahon nu’ng gabing ‘yun, mapagbigyan lang ang lahat.

Bianca nagbago ng ugali

Masaya kami sa outcome ng paborito naming teleseryeng “Sahaya” na umeere ngayon.

Ibinalita ni Bianca Umali na maraming pasabog ang mangyayari sa epic-drama series na “Sahaya.”

Kuwento ng Kapuso actress, dapat tutukan ang mga susunod na episodes dahil may malaking twist na magaganap sa kanyang character.

“Abangan ng viewers­ kung paano magbabago si Sahaya. Kung gaano ka-drastic ang change na mang­yayari sa kanya.

Actually, this is my first show at character na may ganito kada­ming layers. Kami ni Direk Zig (Dulay), bina­bantayan namin ang lahat ng eksena kasi ina­alagaan namin ‘yung character ni Sahaya.

Sabi po ni Direk, gusto niyang makita kung ano ‘yung kayang gawin ni Bianca as Sahaya,” sabi ni Bianca.

Jeric ayaw paawat sa pagpapaseksi

Mukhang tuloy-tuloy na ang pagpapaseksi ni Jeric Gonzales. Habang naghihintay pa siya ng next teleserye niya ay napapadalas ang guesting niya sa “Bubble Gang.”

May mga eksena siya doon na katambal ang mga sexy star ng GMA-7 na mapa­ngahas. Tignan natin kung mababago nila si Jeric, na medyo konserbatibo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More