Una sa Balita

Derrick, Rocco, Jak, Dave handa nang magpainit

By
0 2,673

Sa May 18 na ang concert ng mga guwapong Kapuso hunks na sina Derrick Monasterio, Jak Roberto, Dave Bornea, at Rocco Nacino sa Music Museum.

Maraming inihandang pasabog ang apat, lalo na ang baguhang si Dave dahil ayon sa kanya ay may gagawin siya sa performance niya na never pa niyang nagawa sa kanyang personal life. Nako, Dave ha? Ano ‘yan? Nakakaloka.

Ito namang sexy balladeer na si Derrick, paano niya pakikiligin ang mga kababaihan sa audience? Balita ko kasi, si Jak talaga ang may inspirasyon para galingan sa concert na ito. May hinihintay kaya siyang manood ng concert niya?
Hindi rin naman magpapahuli si Rocco dahil matapos niyang manggulat sa Bench Fashion Show, mas daring pa ang pwede niyang ipakita sa concert kaya sugod na sa Music Museum ngayong ‪May 18 nang pagpawisan kayo lalo ngayong tag-init!

Abante Hiring – IT dep

***
Nora bilib sa husay ni Jo Berry

Pumirma ng program contract ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa GMA Network. Masaya si La Aunor sa pagiging bahagi niya ng isang kuwentong kakaiba at malapit sa kanyang puso.

Tungkol sa ibang klaseng pagmamahal ng isang ina sa kanyang dalawang anak ang bago niyang telesereye at ipinagmama­laki ng Superstar ang kahusayan ng kanyang mga co-star.

Ang isa pang bagong Kapuso na si Jo Berry ay nagpakitang gilas sa pag-arte at kitang-kita ito ni La Aunor kaya excited na siyang mapanood ito ng mga Kapuso viewers. Abangan ang programa ng nag-iisang Superstar soon on GMA! (Joe Barrameda)