Una sa Balita

Derrick nagpatakam ng mga beki

By
0 471

Sa kanyang Holy Week escapade, hindi rin naman nagpakabog ang young hunky actor na si Derrick Monasterio. Ilang araw rin sa Boracay ang Kapuso actor at sa kanyang IG posts, aba, nakakatulo-laway rin ang maganda niyang katawan na lalo pa niyang pinagsisipagang palakihin.

‘Yun nga lang, binitin niya ang mga naeelya sa kanya lalo na ang mga beki dahil hanggang waist lang ang kanyang ipinakita at walang waist down, huh!

Pero, sabi nga ng mga netizen, arms and abs pa lang daw ni Derrick, e, ulam na, at masarap papakin kahit walang kanin, noh!

Sabi nga niya sa amin, “Eh, IG ko naman ‘yun, kaya, entitled ako sa kung ano ang gusto kong i-post.

“Hindi naman ako nagni-naked, pero, kung ano ang nasa isip nila, sa kanila ‘yun. Bahala sila. Siguro naman, enjoy sila.

“Ako naman, I do that to inspire people kasi hindi lang naman abs o muscles ang message ko du’n, kundi healthy living din. Healthy lifestyle to achieve a good body.”

May sense naman, ‘di ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy