Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Derrick ‘minura’ ng mga beki

0 730

Muli na namang pinagnasaan ng mga beki ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio, sa pinoste nitong photo sa Instagram. Dalawang larawan `yon na pareho siyang naka-short at medyo pawisan.

Pero sa ikalawang photo kumulo ang libido ng mga bakla dahil bukol ng aktor. Galing sa ilalim ang kuha kaya bakat talaga ang alaga niya.

Mababasa ang mga comment na nabulabog ang mga beki sa bukol ng aktor. May mga napamura at ang iba ay gusto agad luhuran ang binata.

Hindi pa man nakikita ng mga beki ang patola ni Derrick, sigurado na agad sila na masarap ito.

Markki, Mike inilantad ang kabadingan

Uso ngayon ang mga gay-themed digital online project, kaya naman dumarami ang mga artistang kumakagat sa ganitong raket.

Matapos mag-klik sina Tony Labrusca at JC Alcantara sa “Hello Stranger”, pati na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas sa Gameboys, at John Henry Villanueva at Cliffor Pusing sa Sakristan, ang singer-actor naman na si Markki Stroem ang lulusong sa ganitong tema, o badingan, kasama si Mike Liwag sa Unloked: Andrew & Brix, na dinirek ni Adolf Alix, Jr. Sa LGBT platform na GagaOOLala ito mapapanood.

Tatakbo ng anim linggo ang “Unlocked” at ang kikitain na donasyon ay ido-donate sa isang cause-oriented project.

Ely Buendia nawalan ng pag-asa

Parang nawawalan na ng pag-asa sa pinapangarap na pagbabago sa bansa si Ely Buendia. Idinaan ng singer na nagpasikat ng mga awiting “Toyang” at “Huling El Bimbo” sa tweet ang kawalan na ng pag-asang makamit ang positive change ng Pilipinas.

“Tough out here. In other democracies like America where you can practically say anything you want, positive change is still hard to achieve. Dito pa kaya,” sey niya.

Kuha ng kanyang mga follower ang ibig sabihin ni Ely.

Leave A Reply

Your email address will not be published.