Una sa Balita

Derrick, Kyline, Tina namudmod ng regalo sa mga batang Kyusi

By
0 2,043

Isang double birthday celebration ang ginanap ng mag-inang Derrick Monasterio at Tina Monasterio sa mismong lugar ng dalawa sa Duyan-Duyan, Quezon City kahapon, Hulyo 28.

Kahapon ang mismong kaarawan ni Ms. Tina, samantalang sa August 1 naman ang ika-22nd birthday ng Kapuso actor.

Pero sa halip na isang bonggang celebration ang gawin ay gift-giving activity ang pinagkaabalahan ng mag-ina.

Si Tina ay elected barangay official ng Brgy. Du­yan-Duyan kaya pinakiusapan niya ang kanyang anak na ilibre ang araw na ito para sa kanilang constituents. Nagsilbing thanksgiving din ito sa dating aktres sa mga bumoto sa kanya nitong nakaraang barangay eleksiyon kung saan siya ay ang lumabas na number one kagawad sa mga listahan ng winner.

Daang tao ang inipon nila kung saan isa-isa nila itong binigyan ng bag of groceries, shoes and school supplies. Meron pang pa-raffle at games na ginawa para sa mga bata.

Katuwang ng mag-ina sa pag-distribute ang La Nueva Kontrabida na si Kyline Alcantara. Nasa isang management sina Derrick at Kyline kaya ganun na lang ang suportahan nila sa isa’t isa kapag may ganitong charitable activities sa sinuman sa kanila.

Tuwang-tuwa naman si Tina sa naging response ng kanilang mga constituent dahil hindi sila nito binigo at dumagsa talaga sa covered court ng barangay.

Happy birthday Ms. Tina and Derrick!