Una sa Balita

Derrick hayok sa laman ni Sanya

By
0 1,034
 
abante-i-know-better-jun-nardoMatindi ang lampungan nina Derrick Monas­terio at Sanya Lopez sa Regal movie nilang “Wild & Free”. Trailer pa lang eh talaga namang paiinitin nila ang manonood, huh!
 
Sa screen grab sa trailer, makikita si Derrick na tila hayok na hayok matikman ang alindog ni Sanya na nagparaya sa gustong gawin ng leading man.
 
Eh hindi lang ang mainit na eksenang ‘yon ang ginawa ng dalawa. Bukod sa kuwarto, nagromansahan din sila sa iba’t ibang bahagi ng bahay.
 
“Would you dare to be wild and free?” ‘Yan ang pang-akit na salita ng pelikula mula sa direksyon ni Connie Macatuno.
 
***
 
Sa pagdiriwang ng kanyang ika-11 taon sa showbiz, gaganapin ang unang major solo concert ng Kapuso diva na si Mari­cris Garcia, na pinamagatang “MAR1CR1S” sa Teatrino, ngayong Sept. 28.
 
Babalikan sa concert na ito ang nagdaang 11 taon ni Maricris sa industriya at pupunuin niya ito ng bigating performances. Sariling konsepto ng Kapuso diva ang kanyang concert, na isinabuhay naman ng direktor na si Marc Lopez.
 

Maricris lumalim ang pagmamahal sa musika 

 
“The show is going to be more of a story telling type. I want to share my journey since I started my career up to the present, as well as my personal life, my music influences, and more,” kuwento ng Kapuso diva.
 
Kasama ni Maricris sa kanyang concert ang mga pambato sa kantahan na sina Nar Cabico, Mark Bautista, at ang nag-iisang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.
 
Naging masaya ang pagsabak niya sa pagpo-produce ng kanyang concert at nagpapasalamat siyang marami ang sumuporta rito.
 
Ngayon, mas luma­lim ang pagmamahal niya sa musika at nagpapasalamat siya sa pagkakataong ibahagi ito sa maraming tao. Nakatakda ring maglabas si Maricris ng bagong kanta sa susunod na taon, at isasakto niya sa Valen­tine season.
 
Para sa tickets, maaaring tumawag sa 0917-850-8747 o sa Teatrino sa numerong (02) 741-2949 local 116. Mabibili ang mga ito sa halagang Php1,800 para sa VIP, Php1,300 sa Orchestra, at Php800 naman para sa Balcony.