Una sa Balita

Derrick, dyowang beauty queen super lambingan sa Bulacan

By
0 722

Bitbit ni Derrick Monasterio sa opening ng Asyong’s Sizzling & Tapsihan, sa Mozon, Bulacan ang sinasabi niyang special friend niya, pero sa tingin namin ay bago niyang dyowa.

Kahit anong pilit naming paamin sa kanya ay ayaw ­niyang kumpirmahin. In fact, ipinakiusap pa niya sa amin na ‘wag naming ilabas ang picture nila together na siya ­namang sinunod namin, huh!

Sige na nga, kaibigan lang niya ang mestisang beauty queen kahit magka-holding hands sila together.

Abante Hiring – IT dep

Sige na nga, ka-date niya lang ito that night kahit sa tingin namin ay kakaiba ang kanilang sweetness.

Aba, ‘yun ang pakilala niya sa amin, so, why insist, ­devah? Charrr!

Kasama niyang dumating sa opening ng bagong resto na ‘yun na pag-aari ng mag-asawang Zaldy at Tessa Aquino ang BFF niyang si Kristoffer Martin na ka-join din ang longtime GF nito.

Kahit nang usisain namin kay Kristoffer kung dyowa na ni Derrick ang kasama nito, isang ngiting makahulugan lang ang sagot nito sa amin.

Anyway, feel lang ­naming respetuhin ang pakiusap ng ­aming anak-anakan, kaya hinayaan na lamang namin siya at hindi na ­namin kinulit.

In fairness, prim and proper ang girl na super-ready ang smile for everyone.

Palibhasa nga produkto ng isang prestigious beauty pageant kaya syala-syalahan ang dating at feeling namin ay magtatagal sila ni Derrick.

Naisulat na namin ito minsan, pero this time, up close and personal naming nasaksihan ang pagsasama nila together, and they look good as a pair, huh!

Naman palaman!

 

Ai-Ai walang pagod sa kaka-selfie

Anyway, star-studded ang nasabing opening ng Asyong’s na dinumog din ng mga residente ng Graceville Subdivision kung saan ito nakatayo.

Namataan namin ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na ayaw tigilan ng mga faney sa kakapa-selfie at sigawan talaga ito. Magiliw silang pinagbibigyan ni Ai-Ai na kasama ang kanyang mister na si Gerald Sibayan.

Kasama rin namin si Jeric Gonzales sa okasyon na ‘yun na bumati rin sa mga fan, nagpa-selfie at nakipagkamayan. Bisita rin siya kaya hindi na siya ni-request na kumanta o ano pa man.

 

Mga fan sa Bulacan na-disappoint kay Kyline

Medyo na-disappoint lang ang maraming fan na talagang matiyagang naghintay sa pagdating ni Kyline Alcantara dahil nag-taping pa ito ng dalawang episode sa “Sunday Pinasaya” at tumakbo na ito sa Star Awards for Music kung saan tinanggap niya ang Best New Female Recording Artist of the Year.

Nandu’n din ang mga komedyanteng sina Shalala at Boobsie Wonderland na nagpasaya naman ng mga ­customer na sumugod.

Hindi rin pinalampas ng mag-asawang SJDM Mayor at Congresswoman Arthur & Rida Robes ang nasabing okasyon dahil mag-BFFs din sila nina Zaldy at Tessa.

Ang pagkakaalam namin ay may iba pang mga celebrity na dumating, pero nakaalis na kami bago pa sila nagsipagdatingan.