Una sa Balita

Derrick, Barbie movie luhaan sa takilya

By
0 3,338

Sa month of May na isasalang ng GMA 7 ang primetime romantic-comedy series nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, ang Inday Will Always Love You na ang News and Public Affairs department ng nasabing TV network ang producer.

Ang tanong ngayon ng mga intrigero, intrigera – hindi raw ba natatakot ang Kapuso network sa kahihinatnan ng nasabing series pagkatapos mag-flop sa takilya ang Almost A Love Story ng team-up nina Barbie at Derrick?

Naku, kalat na kalat kasi ang balitang na-pullout sa mga sinehan ang pelikulang ‘yon ng Barbie-Derrick love team, huh!

Mahina nga raw kasi sa takilya ang Almost A Love Story at dagdag pa ng iba, FLOP daw ito, ‘noh?!

Pagtatanggol naman ng fans ni Barbie, proven and tested na raw naman sa telebisyon ang lakas ni Barbie, remember, namayagpag sa afternoon slot ng Siyete ang Half Sisters na pinagbidahan niya (na kapareha sina Derrick at Andre Paras) na umabot pa ng one year and seven months at naging maingay rin ang Meant To Be na pinagbidahan niya kasama ang boyfriend na si Jak Roberto at sina Ivan Dorschner, Ken Chan at Addy Raj, so, hindi naman daw nakaka-worry ang kinahinatnan sa takilya ng pelikula nila ni Derrick sa puwedeng kahinatnan ng bago nilang series.

Saka ‘yung time slot naman daw na paglalagyan ng Inday Will Always Love You ay okey dahil kahit ‘yung nakapuwesto roon na The One That Got Away na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Rhian Ramos, Max Collins at Dennis Trillo ay nagre-rate.

So, sabi ng mga fan ni Barbie, huwag kaagad i-judge ang puwedeng kahinatnan ng bago niyang series dahil sa sinawing-palad sa takilya na pelikula nila ni Derrick.

Samantala, may isang nakapagkuwento sa akin na sobrang na-sad si Barbie sa nangyari sa pelikulang Almost A Love Story. Hindi raw nailihim sa dalaga na sumadsad nga sa takilya ang kanyang pelikula.

Rhian, Jason palihim na nagpakasal sa Iceland?

Dahil kasal na kay Pancho Magno ang co-star nila sa The One That Got Away, may mga fan naman na nagtatanong kung kailan daw ba pakakasal sina Lovi Poe at Rhian Ramos sa kani-kanilang lovey-dovey?

Eh, ang leading man kasi nila na si Dennis Trillo ay hinuhulaan na ring baka magpakasal na sa girlfriend na si Jennylyn Mercado next year.

Actually, kapag inuusisa ko ang mga malalapit kay Lovi at tinatanong ko nga kung balak na ba niyang pakasal sa rumored-boyfriend na si Chris Johnson, palagi nilang sinasabi na duda sila kung may balak na nga ba ang dalaga na lumagay sa tahimik.

Ang alam daw kasi nila, ine-enjoy pa ni Lovi ang pagiging single (although mukhang masaya siya sa relasyon nila ni Chris).

Hindi naman kami updated sa relasyon ni Rhian sa sinasabing non-showbiz boyfriend niya na si Jason Choachuy, pero last year ay may intrigang ikinasal sila sa Iceland nang magbakasyon sila roon, pero nag-deny ang dalaga tungkol doon at sinabing wala pa silang wedding plans.

Well…

Sarah dadalo sa kasal nina Rachelle, Martin ngayon

Naku, pagkatapos sabihin ng editor namin na si Dondon Sermino na may mga nagtatanong kung bakit April 18 (today) ang isinulat ko na date ng wedding ni Rachelle Ann Go sa fiancé niyang si Martin Spies, aba, nagduda tuloy ako, huh!

Eh, sa iba kasi, ang naglalabasan, April 19, kaya inusisa ko ang isa sa mga taga-Cornerstone, ang management company ni Rachelle Ann, si Cynthia Roque kung bakit may mga ganoong naglalabasan?

“Hindi ko rin alam kung bakit April 19 ang naglalabasan, eh. Wala namang nag-release ng information from us because Rachelle wants to keep the wedding private. Kung talagang April 18 ang wedding? Yes! That’s what I know, unless nilito rin nila ako. Hahaha!” sabi sa akin ni Cynthia kahapon.

Pero, ‘di ba, alam ng lahat ng mga guest na April 18 ang wedding?

“Kami ni Erickson (Raymundo, Cornerstone’s big boss), ‘yon ang alam namin. Unless may last minute announcement na may changes nga. Pero wala kaming alam,” sabi pa ni Cynthia.

Ang kuwento naman sa akin ng kaibigan ko na philanthropist-businesswoman na si Pinky Tobiano, April 18 talaga ang wedding at kahapon nga ay umalis na siya pa-Boracay dahil isa siya sa mga ninang.

Naku, nakakalito ang date ng wedding ni Rachelle, huh!

Anyway, ang tsika, pupunta rin sa Boracay wedding ni Rachelle Ann ang kaibigang si Sarah Geronimo, pero hindi ba ang alis ng girlfriend ni Matteo Guidicelli papunta ng Los Angeles, California para sa start ng kanyang This 15 Me US concert tour ay bukas (April 19)?

So, malamang nga na today talaga ang wedding ni Rachelle, ‘di ba?