Una sa Balita

DeRozan pang-atake ng San Antonio Spurs

0 526

WALANG duda, isa sa may pinakamalalim na backcourt rotation ang San Antonio Spurs papasok ng 2019-20 season.

Hindi man pantapat kina Steph Curry at Klay Thompson o Damian Lillard at CJ McCollum, palaban ang starting guards ng Spurs sa loaded na Western Conference.

Babalik na mula injury ang 22-anyos na si Dejounte Murray, mas malamang na ipapaako muli sa kanya ni coach Gregg Popovich ang starting point guard duties.

Magkakaroon ng tsansa ang iba na umakyat o mag-slide sa shooting guards.
Guard din si DeMar DeRozan pero noong nakaraang season ay pinaglaro siya bilang small forward at posibleng manatili sa position.

Mas marami siyang nagagawa kapag umaatake sa basket, hindi rin ganoon katindi ang 3-point shooting.

Mas maraming drives, mas mara­ming tsansang makakuha ng fouls at biyahe sa stripe.
Si Derrick White pa rin malamang ang starting shooting guard ng San Antonio. Sa Game 3 ng first-round playoffs kontra Denver Nuggets, umiskor si White ng 36.

Pinaglaro rin ni Popovich sa point si White, pero kaya niyang dumipensa ng multiple positions.

May ibang guards ding nakikipag-agawan sa starting lineup tulad ni Bryn Forbes. Tinapos ni Forbes ang nagdaang season na 9th sa NBA sa three-point percentage, nasa unahan nina 3-point specialists Klay Thompson, JJ Redick at Kyle Korver.

Meron pang Marco Belinelli at Lonie Walker IV ang Spurs. Tuwing tinatawag ni Popovich ang numero, laging nakakapag-deliver si Belinelli. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy