Una sa Balita

DeRozan bibigyan ng max contract

0 318

MUKHANG ayaw paka-walan ng San Antonio Spurs si DeMar DeRozan.

Sa ulat ni Mike Finger ng San Antonio Express-News, ikinukonsidera raw ng Spurs na bigyan ang four-time All-Star ng maximum contract.

Si DeRozan ang naging kapalitan ni Kawhi Leonard mula Toronto Raptors bago magsimula ang 2018-19 season.

Sa ilalim ni coach Gregg Popovich at sa tabi ni LaMarcus Aldridge, career-highs ang averages ni DeRozan sa assists (6.2) at rebounds (6) sa nagdaang season.

Sa 23rd straight season, umabot ng playoffs ang San Antonio pero kinalos ng Denver sa first round.

“Popovich genuinely likes the group he has assembled in San Antonio, and after outsi-ders speculated DeMar DeRozan might be used as trade bait this offseason, all indications are that the Spurs value his presence and want to keep him around,” ulat ni Finger.

Wala pa raw inio-offer ang Spurs na max contract, pero nawawala ang posibilidad na ibigay nila ito bago ang 2019-20.

Sa July, may opsiyon si DeRozan, 30, na kumalas na sa kasalukuyang kontrata sa Spurs. Kung hindi tatanggapin ang extension, magiging unrestricted free agent siya pagkatapos ng susunod na season. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy