Una sa Balita

Derozan, Aldridge, Spurs hinagupit ang Warriors

By
0 357

WALANG gustong patu­nayan ang San Antonio Spurs. Mahalaga ay tuloy ang pagsalansan nila ng panalo.

Humaba sa siyam na sunod ang panalo ng Spurs, pinakahuling hinagupit ang Golden State Warriors, 111-105, Lunes nang gabi, sa likod ng 26 points at 9 rebounds ni DeMar Derozan at 23 points, 13 boards ni LaMarcus Aldridge.

Sampa sa fifth ng Western Conference ang San Antonio (42-29) pagkatapos ng 116-107 loss ng Oklahoma City sa Miami. Kabuhol ng Spurs ang Thunder.

Mabagal na nag-umpisa si Stephen Curry pero tumapos ng 25 points, may 24 si Kevin Durant sa Warriors. Magkaakbay ang Warriors at Denver (47-22) sa unahan ng West.

“That’s the hottest team in the league and obviously really well-coached,” puna ni Warriors coach Steve Kerr. “They were execu­ting and I thought they out-executed us, outcoached us.”

Pangalawa ang winning streak ng San Antonio sa 11 straight wins ng Warriors nga­yong season. Kasama sa mga biktima ng Spurs ang Nuggets, Milwaukee, Oklahoma City, Portland at Detroit—mga team na nasa top six ng kani-kanilang conference.

Wala sa Golden State sina DeMarcus Cousins (sore right foot) at Andre Iguodala (dental work).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy