Una sa Balita

Derek walang intensiyon na mamahiya ng baguhan

By
0 4,391

Si Derek Ramsay ang lead actor ng All of You ng Quantum Films at bukod sa special award na Male Star of the Night, siya ang nanalo ng best actor trophy dahil sa performance niya sa pelikula nila ni Jennyly­n Mercado.

Si Atty. Joji Alonso ang producer ng All of You at itinuturing na second mother ni Derek. Si Atty. Alonso ang gumawa ng paraan na malaman ang totoo tungkol sa P20 joke ni Derek na walang intensyon na mang-insulto ng isang baguhan at ng blooper nito.

Lumitaw ang katotohanan na clueless si Derek tungkol sa special award na napanalunan at hindi rin niya narinig ang pagkakamali ng female newcomer.

Ito ang paliwanag ni Atty. Alonso tungkol sa insidente na magpapatunay na walang intensyon si Derek na makasakit ng damdamin ng kapwa.

“When his name was called, he didn’t even know what he won. Puro kami biruan sa side namin. Nagulat na lang siya, tinawag ang name niya.

“He was not aware what the joke was all about (people laughing at the 20 buckle). When he reached the foot of the stairs, Arnell Ignacio and Mr. Ferrer (Noel­ maybe?), who were seated together, gave him the 20-peso bill and told him to say thank you and poke fun at the 20-peso prize.

“He simply obliged but with not the least intention to offend anyone, kasi hindi nga siya aware about the buckle kaya when he returned to his seat, he asked us, pa what did I just win?

“Then we teased him that he treats all of us with his cash prize. Here’s a trivia about Derek. He does NOT carry cash with him kaya impossible that the 20 pesos came from him. Hope this clarifies things,” ang paliwanag at depensa ni Atty. Alonso na pinatunayan ng isang eyewitness na nakakita kay Noel Ferrer na lumapit kay Derek habang papaakyat ito sa stage para tanggapin ang Male Star of the Night Special award.

Alden pambatong GMA sa NY Countdown

Ngayon ang huling araw ng 2017 kaya may mga New Year Countdown show ang GMA 7 at ang Iglesia Ni Cristo.
Pangungunahan ni Alden Richards ang Countdown to 2018 ng Kapuso Network.

Mula nang mag-artista at sumikat si Alden, naging tradisyon na niya ang mag-perform sa mga New Year Countdown show ng GMA 7 sa Mall of Asia Arena dahil may paniniwala rin siya na masuwer­te na may trabaho sa unang araw ng taon. Kinabukasan, January 2, ipagdiriwang ni Alden ang kanyang 26th birthday sa Eat Bulaga. Magkakaroon din siya ng special birthday celebration sa Sunday Pinasaya.

Makakasama ni Alden sa Countdown to 2018 sina Rocco Nacino, Mark Herras, Christian Bautista, Andrea Torres, Julie Anne San Jose, Jeric Gonzales, Teresita Marquez at ang ibang mga Kapuso star.

Willie ‘di nagpabayadsa Iglesia Ni Cristo

Si Willie Revillame ang host ng New Year Countdown sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan na dadaluhan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Reportedly, for free ang hosting job ni Willie at performers sa countdown to 2018 sina Ruru Madrid, Ara Mina, Anthony Castelo, Claire dela Fuente at Imelda Papin.

Sa mga hindi nakakaalam, devout member ng Iglesia Ni Cristo si Ruru Madrid, pati na ang Hashtag member na si Jon Lucas.

Sa interview namin noon kay Jon, sinabi nito na tiyak na mami-miss niya ang kanyang pumanaw na ina dahil noong nabubuhay pa ito, sama-sama nila na sinasalubong ang pagpasok ng Bagong Taon sa Phi­lippine Arena.

Aneurysm ang ikinamatay ng nanay ni Jon noong September 22, 2017.