Una sa Balita

Derek urong-sulong sa pagpirma sa GMA

0 1,079

abante-i-know-better-jun-nardoNaudlot ang pagpirma ni Derek Ramsay sa Kapuso Network last Monday, December 31.  Si Derek ang blind item ni Arnold Clavio kahapon sa DZBB program niya pero nagbigay lang siya ng clues na may letter K sa name at letter Y sa apelyido.

Rason ni Arnold, may inaayos pang detalye sa ilang provision sa kontrata. Pero malaki ang chance na matuloy ang pagpirma ng aktor sa network.

Malaking factor din daw ang kaibigan ng aktor na nasa GMA rin at kahit hindi niya pinangalanan, si John Estrada ang tinutukoy na kaibigan ni Derek.

Nabanggit din ni Igan Arnold na merong talent management company ang magkaibigan. Nabanggit minsan ni Derek ang itinayo nilang talent management company sa huli naming interview.

Ang DJRE Entertainment ang kompanya nina John at Derek at nitong nakaraang December ay nagsagawa sila ng DJRE Basic Workshop & DJRE Intensive Acting Workshop. Ang venue ng workshop ay sa mga branch ng KMC Solutions na official partner sa workshop ng DJRE sa Metro Manila.

Ang asawa ni John na si Priscilla Meirelles ang namamahala sa talent management company.

Lovi naghanap ng ‘ugly naked guy’ sa US

Solo flight si Lovi Poe na nagbabakasyon sa New York City. Totoo nga ang tsimis na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Chris Johnson, huh!

“Time to take a breather…Se you la­ter, Manila,” post ni Lovi na aso lang ang kasama habang nasa airport sa isa niyang post sa Instagram.

Rumampa rin siyang mag-isa sa Times Square sa NY, at habang nasa background niya ang The Friends Apartment Buil­ding,  tanong niya, “Does anybody know where ugly naked guys apartment is from where I’m standing?”

Pumasyal din Ang Primera Aktres sa Brooklyn Bridge at sa huling pic niya sa Times Square muli, ipinakita niya ang masayang  mukha na sinamahan niya ng caption na “The face I give when I’m in that “phase.”

Ang moving on “phase” kaya ang tinutukoy ni Lovi? Swak na swak sa “phase” ni Lovi ngayon ang tinatapos na movie na The Annulment, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy