Una sa Balita

Derek Ramsay, Batangas tinalupan ang Caloocan

0 372

PINAKILIG ni Derek Ramsay ang mga manonood sa kanyang unang laro sa Maharlika Philippine Basketball League matapos umiskor ng pinakauna niyang bucket Huwebes ng gabi sa Batangas City Coliseum.

Sinalo naman ng kanyang mga teammate sa Batangas Athletics-Tanduay ang trabaho upang talunin ang Caloocan Supremos-Victory Liner sa iskor ng 80-67.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Batangas sa kasaluyang MPBL Lakan Season na binuo ni Senator ­Manny Pacquiao katuwang si PBA legend­ at former MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Ang pag-iskor ng player-celebrity na si Ramsay ay nagbigay ingay sa manonood at kinokonsider na rin ito bilang isa sa mga highlight ng laro.

Pinangunahan ni Jason Meleno ang Batangas sa kanyang 15 points at 11 rebounds, habang sumahog si Jhaymo ng 16 points, 9 boards. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy