Una sa Balita

Derek pipirma ng kontrata sa GMA ngayon

Kris nanatiling hot copy sa 2018

By
0 1,064

abante-i-know-better-jun-nardoHuling araw ng 2018 ngayon. Pero nakakapanibago na parang nag­laho na ang mga manghuhula, huh! What happened to them?

Eh kung showbiz naman ang pag-uusapan sa nangyari nitong 2018, ‘yun at ‘yun din naman ang balita except for few na shocking talaga.

Day in and day out, may ikinakasal, may nanganganak at may namamatay. Sa deaths in showbiz, kabigla-bigla ang pagkamatay ni Direk Maryo J. de los Reyes. Ganun din kay Rico J. Puno.

Eh ‘yung lipatan ng artista sa network, normal na ‘yan. Sa artistang lilipat sa Kapuso Network, big news kung matutuloy ngayong araw na ito ang pagpirma ni Derek Ramsay.

Of course, sa mga celebrity, napanatili ni Kris Aquino ang pagi­ging hot copy especially sa pagsampa niya ng demanda sa isang business partner. This year, nakagawa rin siya ng pelikula sa Star Cinema.

***

Alden, Maine movie kaabang-abang sa 2019

Eh itong on-going Metro Manila Film Festival, walang kuwestiyon sa nanalo ng awards. ‘Yun namang problema sa mga sinehan eh, lagi namang lumalabas na isyu ‘yan taon-taon, huh!

Pero may isyu pala tungkol sa discount ng bayad sa sinehan ng isang entry. Hindi raw buo ang ibinabayad ng mga tao sa sinehan dahil ang kalahati ng bayad­ eh may nag-aabono nang sa gayon eh, maintain pa rin ang kita ng pelikula, huh!

Of course, wala namang mangi­ngiming mag-imbestiga kung may katotohanan ang isyung ito, huh!
Pero walang dudang ang biggest newsmaker­ ng 2018 ay si Catriona Gray na nag-uwi ng ikaapat na Miss Universe crown para sa bansa, huh!

So what to expect sa 2019 sa entertainment? Pareho pa rin ‘yan. Ang hinihintay ng lahat ay ang panganganak ni Marian Rivera ng se­cond baby nila ni Dingdong Dantes.

Ahhh, kapag natuloy ang movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, malaking­ balita ‘yan na aaba­ngan ng lahat lalo na ang AlDub Nation!

Happy, happy 2019 sa lahat ng readers ng Abante!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy