Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Derek napikon sa ‘kabastusan’ ni Ellen

0 1,138

Muntik nang sumabog sa galit si Derek Ramsay, nang sigawan niya ang asawang si Ellen Adarna.

Kitang-kita sa Instagram ni Ellen ang pagsigaw ni Derek ng “Ano!!!” nang tawagin siya ng aktres na “love!”

Umakyat ang init ng ulo ni Derek nang video-han siya ni Ellen habang naliligo. Nailang si Derek sa ginagawa ni Ellen, dahil hubo’t hubad siya.

Kahit hindi mapakali si Derek sa paliligo, tuluy-tuloy pa rin si Ellen sa ginagawa. Tawa lang nang tawa si Ellen.

Pero, nalusaw ang galit ni Derek dahil sa mga halakhak ng asawa.

Kung nabuwisit si Derek, mas lalong nabuwisit ang mga babae at baklang naglalaway na makita ang puwet, sandata ng aktor.

Sarap sabunutan ni Ellen, dahil hanggang katawan lang ng asawa ang kinunan niya at ‘di isinama ang baba. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.