Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Derek nandiri sa ‘napkin’ ni Ellen

0 291

Hanggang saan kaya aabot at tatagal ang gantihan sa prank, takutan ng mag-asawang Derek Ramsay, Ellen Adarna?

Sa latest vlog nina Derek, Ellen sa YouTube, ang prank tungkol sa monthly period ang ginamit ni Ellen.

Nilagyan ni Ellen ng lipstick ang bagong tampoon para lumabas na ginamit na niya ang sanitary rolled napkin.

Sey ni Ellen, ganti niya ‘yon sa huling prank sa kanya ng asawa.

Matapos pahiran ng lipstick, binitbit ito ni Ellen kay Derek na nakahiga sa kama. Inilapit ito sa mukha ng aktor.

Kitang-kita ang matinding takot ni Derek na sumigaw ng “nooo!” at napadapa sa takot.

Nagpapapadyak si Derek habang nakadapa, at panay ang tili na, “Nooo! Ellen plllsssss!!”

Pulang-pula ang mukha ni Derek sa pandidiri sa inakalang totoong regla sa tampon.

Maririnig din sa video ang mala-kontrabidang halakhak ni Ellen na tagumpay sa matinding prank sa asawa.

“This smells good!” sabi pa ni Ellen.

Well, sana lang ay hindi umabot sa pikunan ang dalawa.

Jennylyn hagulgol nang iwan ni Dennis

Kung hindi lang dahil sa trabaho, commitment sa Kapuso network, at para na rin sa future nila, ayaw sanang iwanan ni Dennis Trillo ang misis niyang si Jennylyn.

Sa YouTube channel ng dalawa, na may title na “Apart”, ipinakita nila ang part 7 ng kanilang buhay mag-asawa ni Dennis.

Kinuwento niya na isang araw matapos ang kasal, nag-lock in taping na si Dennis para sa project sa GMA 7, kaya iniwan si Jennylyn.

Pinaliwanag ni Jennylyn na sa condo muna ni Dennis sila nakatira para mas ligtas ang kanyang pinagbubuntis.

Mararamdaman nga kung gaano nami-miss nina Dennis at Jennylyn ang isa’t isa nang magkalayo. Naiyak pa ang aktres dahil sa pagkasabik sa asawa, at nagsabing, “Umuwi ka na pls”.

Mariririnig din ang palitan nila ng “i love you”.

Nang nakauwi si Dennis sa condo, yumakap agad si Jennylyn, at pinaliguan ng halik ang asawa.

Maja kinabog Thailand sa Netflix

Kung kelan nagpademya, saka naman nanguna sa takilya ang pelikula ni Maja Salvador. Hindi man nag-top grosser sa theatrical run ang mga pelikulang pinagbidahan ng aktres bago mag-pandemya, sa digital platform naman nag-reyna si Maja.

Aba, nag-number 1 sa Netflix ang movie ni Maja na “Arisaka” na dinirek ni Mikhail Red.

Kinabog ng pelikula niya ang “The Whole Truth”, isang Thai suspense horror thriller.

https://www.youtube.com/watch?v=K3W9Ool62b4
Leave A Reply

Your email address will not be published.