Una sa Balita

Derek nalula sa malaking boobs ni Andrea

0 451

abante-i-know-better-jun-nardoSinampulan ni Andres Torres ng mapang-akit na boobs at katawan si Derek Ramsay nu’ng pictorial nilang dalawa para sa summer station ID ng Kapuso network.

Sa picture nina Andrea at Derek na pinost ng Kapuso hunk sa kanyang Instagram, sinabayan ng aktres sa pagdispley ng katawan ang aktor. Iniluwa naman ni Andrea ang boobs niyang nagmumura sa laki, huh! Na medyo ikinalula ni Derek, ha!

Of course, walang malisya kay Derek ang pagpapasampol ni Andrea sa dibdib niya. Alam naman ng lahat na taken na siya ng girlfriend model na si Joanne Villablanca, huh.

Magkasama sina Derek at Andrea sa bagong GMA series na “The Better Woman.” Nagkaroon na ito ng story conference at ilan sa cast ay sina Jaclyn Jose at Ina Feleo. Mula ito sa direksyon ni Mark de la Cruz.

Ayon sa hunk actor, ang series ay daring, risky at challenging para sa kanya.

Luis suportado si Jessy, Maine no-show sa premiere night ng Arjo movie

Great work para kay Direk Joey Reyes ang pagkakagawa ni Direk Ice Idanan ng una niyang mainstream movie na “Stranded.” Simple lang ang istorya na dalawang taong na-stranded sa gitna ng bagyo sa isang building na sila lang ang tao. Pinagbidahan ‘yon nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde.

Take note, sa halos kabuuan ng movie eh naaliw nina Arjo at Jessy ang mga nanood sa premiere night na silang dalawa lang ang nagsasagutan sa mga eksena, huh!

Eh kahit unang nakilala si Arjo sa mga dark character na nagampanan na niya, dito sa “Stranded” ay pasado rin siyang romcom leading man, huh!

Si Jessy, swak na swak sa role niya bilang isang babaeng planado ang buhay at alipin ng trabaho. Pero nabagong lahat ‘yon nang makilala niya ang cha­racter ni Arjo. No wonder, proud na proud sa kanya ang boyfriend niyang si Luis Manzano na present sa premiere.

Wala man si Maine Mendoza, pre­sent naman ang parents ni Arjo na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde na bumilib sa performance ng anak.

Graded B ng Cinema Evaluation Board ang “Stranded” at showing na ngayon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy