Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Derek nairita sa chika: Singsing na bigay kay Ellen inayawan ni Angelica

0 194

Hindi kinakaila ni Derek Ramsay na naiirita rin siya sa iba’t ibang mga issue tungkol sa relasyon nila ng fiancé niyang si Ellen Adarna.

Madalas sabihin ng hunk actor na bakit daw maraming nakikialam sa relasyon nila ni Ellen samantalang wala namang alam ang mga ito sa kung ano ang mga pinaggagagawa nila in private.

Actually, pati ‘yung pang-iintriga sa engagement ring na ibinigay niya kay Ellen, ikinairita ni Derek.

May mga nagsabi kasi na naisuot na raw ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban ang singsing na ‘yon.

Siyempre, nilinaw ni Derek na bago ‘yon at hindi naman umabot sa engagement ang relasyon nila noon ni Angelica, kaya mali ang intrigang ‘yon.

Hindi rin daw galing sa kanyang nanay ang singsing na suot-suot na ngayon ni Ellen.

Actually, ipinaliwanag ni Derek sa NewsKo (sister tabloid ng Abante) columnist na si Morly Alinio ang tungkol doon at natuwa nga ang hunk actor nang lumabas doon ang kanyang explanation.

Ipinadala sa akin ni Morly ang pagpapasalamat sa kanya ni Derek sa pagtutuwid niya sa maling balitang ‘yon!

In fairness, marunong mag-appreciate si Derek kapag tama ang mga naisusulat tungkol sa kanya at sa fiancé niyang si Ellen, huh!

Samantala, hindi na raw matutuloy ‘yung teleseryeng pagsasamahan sana nina Derek, Carla Abellana at Max Collins, kaya mas may time pa ang hunk actor na makipag-loving-loving with Ellen.

Ang bongga!

SM SuperKidsDay Banner Ad

‘Showtime’ live uli:Mga host araw-araw swab test

Inusisa ko ang isang “Eat Bulaga”-insider kung kailan ba sila magla-live uli?

“MECQ (modified enhanced community quarantine) pa kasi, Kuya Jun, hindi pa kami sure. Wala pa pong definite. Naka-standby pa kami kung ano ang sasabihin ng management,” sabi ng kausap ko.

Tinanong ko ang taong ‘yon dahil ang katapat nila na “It’s Showtime” ay live na ngayon.

‘Yung episodes mula noong Monday hanggang Wednesday ay bago, pero noon pa raw nila nagawa bago nagdesisyon ang ABS-CBN management na tigil muna sila dahil nga sa lumalalang sitwasyon ng COVID-19.

Hanggang sa Saturday na ang live show nila at araw-araw raw ang PCR swab test ng mga host.

Ang staff naman daw, ilang beses na ring nakapag-PCR swab test.

PCR swab test daw ang ginagawa na nila dahil mas accurate ‘yon compared sa antigen.

Yesterday naman daw, nakapag-taping na rin sila ng two episodes at bawat live nila this week ay may taping din sila para pahinga na sila next week.

Si Vice Ganda na may sariling team (ang Team Vice), mismong ang TV host-comedian daw ang naghigpit at pinag-quarantine ang mga ito.

Ang first PCR swab test din daw ng Team Vice ay si Vice mismo ang gumastos. Wow, so bongga!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.