Una sa Balita

Derek nagtaray matapos sabihang bagong ‘jak@#’

0 891

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNagalit at nagtaray si Derek Ramsay sa isang follower niya kaugnay sa pagbibigay-malisya nito sa photo na pinost niya sa kanyang Instagram. Tinawag na ‘bastos’ ni Derek ang kanyang follower nang sabihin nitong ‘nagjakol’ ang ­aktor.

Nag-selfie si Derek habang topless sa kanyang kama at sinabi nitong malaking bagay na nakatulog siya nang mahaba.

“Good morning. Got a full 10 hours of sleep. Feeling much better now. My body has recovered and feels stronger. Last night I tried using a portable #hyperbaricchamber from @oxyhealth and I must say it really helped my recovery,” sey ni Derek.

Sa photo ay kitang-kita ang abs ng aktor. Nakatakip ng kumot ang ibabang bahagi ni Derek na siyang posibleng dahilan kung bakit nag-comment ang follower niyang nagsabing ‘nagjakol’ nga si Derek.

@dennis cabilla2018, “Mukhang katatapos lang ­magjakol ni Derek ah?”

At hindi nga pinalampas ni Derek ang mensahe ng follower, at rumesbak siya nang diretsahan.

“@denniscabilla2018 for someone your age ang bastos mong magsalita!!!” sagot ni Derek.

Walang anumang reply o apology ang follower na ‘yon matapos punahin ni Derek. Pero nakatikim ito ng panlalait mula sa mga fan ni Derek.

Tinawag na ‘mataba’, ‘matanda’, ‘manyakis’ at bakla ang naturang follower.

 

Rocco, Melissa hiwalay sa anniv nila

 

Mukhang kinakailangang mag-effort nang triple ni Rocco Nacino sa kanilang anniversary ng atleta niyang dyowa na si Melissa Gohing. Umalis pa-Thailand si Melissa para sa volleyball training nito, at ayon sa caption nito ay masasagasaan talaga ang kanilang anniversary ni Rocco, dahil na-extend ang kanilang training sa Thailand. Mismong si Rocco pa ang naghatid kay Melissa sa airport.

“Thank you mi amor for driving me to the airport. I will miss you and our furry babies, @corgivalentineandarrow. Days ago, I was informed that I’ll be extending my stay in Thailand which means I won’t be home on our anniversary. I know he already prepared something but Nico insisted that I should go for it. Thank you for always supporting me love.  I love you @nacinorocco,” sabi ni Melissa.

Nagsabi naman ang Kapuso actor na todo ang suporta niya sa kasintahan.

“Always 100% support for you and your career! I love you and advanced happy anniversary @gohingmelissa,” sey ­naman ni Rocco.

Dalawa lang ang puwedeng gawin ni Rocco para malunod sa kasiyahan ang kanyang girlfriend kahit nasa malayong lugar ito, at ‘yun ay padalhan niya ng bulaklak sa Thailand. O kaya ay puntahan ito sa Thailand at doon nila i-celebrate ang kanilang anniversary.

 

Daniel Matsunaga tumanggap ng award sa Theology

 

May masteral degree na si Daniel Matsunaga, isang achievement na mas mataas pa sa kanyang pag-aartista at mas angat sa ibang kasabayan niyang mga kapwa Brazilian na nandito sa Pilipinas.

Naka-post sa Instagram wall ni Daniel ang video ng kanyang pagtatapos ng doctorate degree sa Brethen Evangelical School of Theo­logy. Naka-doctorate masteral toga at cape pa ang model-turned actor habang lumalakad patungong stage upang tanggapin ang kanyang diploma.

Sa video, makikitang sinasambit nito ang oath ng kanyang pagtatapos. Proud na ­ipinangalandakan ni Daniel ang kanyang academic award.

“I am very honored to be the recipient of such an amazing award. I just want to thank God for everything He has done in my life…also to the executive for believing and trusting me with such a big award.

“To my family who has always been there for me, no matter what the situation, or how big my problems were, they never left me alone. Just got my Doctorate Degree in Humanity Major in Social Work. To God be all the Glory always,” sabi ni Daniel.

Wala ang kasintahan niyang si Karolina Pisarek. Nag­lilibot ito sa buong Europe para sa ­modeling career nito.