Una sa Balita

Derek #feelingblessed sa harap ni Pope Francis

By
0 154

Ipinagmalaki ni De­rek Ramsay ang pagkakataong dumating sa kanya nang makita niya si Pope Francis sa Vatican City. Isa ang Rome sa pinasyalan nila sa Italy­ bilang selebrasyon ng 70th birthday ng ina.

“So blessed to be in the presence of #popefrancis #rome #happy70thmom,” unang post a Instagram ni Derek.

“I’m so lost for words to describe how I felt going to this place and seeing the Pope. #rome #italy” caption niya sa photo habang nasa harap ng simbahan.

Pangako naman niya sa 70th birthday ng ina, “I will never disappoint you.”

Back to work sa susunod na araw si Derek dahil simula na ng ratsadang promotions sa festival movie nila ni Jennylyn Mercado na All of You mula sa Quantum Films.

Alden umalma sa bashers ni Reese Tuazon

Mapapanood na ngayong gabi sa anniversary episode ng Magpakailanman si Alden Richards, ang kuwento ng Marawi sa Mata ng Isang Sundalo.

Naglabasan ang ba­litang ang baguhang si Reese Tuazon ang lalabas na love interest niya sa istorya.

Umalma ang ilang fans ng aktor kaya na-bash din siya. May umaayaw kasing fans ni Alden na umaayaw ipareha si Alden sa ibang artista dahil feeling nila, dapat ay si Maine lang ang kapareha niya.

Ipinagdiinan na lang ni Alden na aktor siya kaya trabaho lang ang ginagawa niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy