Una sa Balita

Derek ‘ban’ ulit sa ABS-CBN?

0 1,780

abante-anything-goes-jun-lalin
Marami ang natuwa sa tsikang nakapagdesisyon na si Derek Ramsay na pipirma na siya ng exclusive contract sa GMA 7 ngayong January 2019! At least, magandang bali­ta ‘yon for Kapuso network, huh!

Compared kasi sa ibang mga aktor na nanggaling sa ABS-CBN at nag-over the bakod sa Siyete, super big star naman si Derek, kaya there’s really a reason to celebrate at ipagbunyi ‘yon ng mga Kapuso!

Early January raw magkakaroon ng big announcement ang mga taga-Siyete tungkol sa pagiging Kapuso na ni Derek.

Teka! Nangangahulugan ba ito na magkakalamat uli ang relasyon ni Derek sa mga taga-Dos?

O baka naman magkakaroon pa rin naman siya ng mga pelikula sa Star Ci­nema, ang film division ng Kapamilya network?

Well…

Lotlot, Fadi ikakasal sa Batangas ngayon

Ngayon ang kasal ni Lotlot de Leon sa Batangas. Ang Lebanese-businessman na si Fadi El Soury ang pakakasalan ni Lotlot.

Noong Saturday naman ay puyat-puyatan si Lotlot dahil ginanap naman ang kanyang bridal shower kung saan ay nakasama niya ang kanyang mga kaibigan.

Ayon kay Albert Medina Sunga na isa sa mga naimbitahan doon, sobrang saya raw ni Lotlot.

“Sobrang happy and excited siya sa wedding niya on Monday (today),” sey ni Albert na isa sa mga imbitado rin sa kasalan today.

Assunta hindi pa buntis

Sobrang saya ni Assunta de Rossi nang makatsikahan ko noong Saturday. Nasa bansa na rin kasi ang tatay niyang si Luigi Schiavone. Noong October naman, kasama na rin nila ng kapatid niyang si Alessandra de Rossi ang nanay nilang si Nenita.

Masaya rin daw na puwede nilang mapanood uli ang pelikula ni Alessandra na Through Night and Day dahil ipapalabas uli ito sa ilang mga sinehan ng SM starting Wednesday.

Sabi nga ni Assunta, may second chance ang mga hindi nakapanood ng pelikula, kaya huwag daw palampasin.

Samantala, kinumusta ko rin si Assunta kung buntis na siya, pero hindi pa rin daw. Hopefully next year ay makabuo na sila ng mister niyang si Jules Ledesma.

“Medyo stressful din kasi at nag-aayos pa kami ng bago naming place at kalilipat pa nga lang kasi namin,” sey ni Assunta.

Today nga pala ay “hihiramin” ko muna si Assunta sa kanyang pamilya dahil isa siya sa mga darating sa Christmas party ng Abante/Abante Tonite sa White Space Manila.

Regine, Ogie no show sa b-day ni Pops

Noong Thursday night ay magka-table kami ni Ogie Alcasid sa Christmas party ng LVD management group ng manager niyang si Leo Dominguez.

Sa kuwentuhan namin, napag-usapan ang tungkol sa kaliwa’t kanang schedules ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid.

Noong Wednesday night nga raw, hindi na kinaya ni Regine na makapunta sa birthday party ni Pops Fernandez.

“Hindi na rin ako nakapunta. Si Reg, bagsak na sa kama, hindi na niya kinaya. Sabi ko, babawi na lang kami kay Pops. Lala­bas na lang siguro kami kapag hindi na mas­yadong hectic ang schedules namin,” sabi ni Ogie.

Actually, habang kausap ko rin si Ogie, parang sobrang pagod din siya dahil ang dalas din ng taping nila para sa It’s Showtime at napakarami rin nilang Christmas parties/events na pinupuntahan.

Richard ratsada sa promo ng ‘Fantastica’

Hanga naman ako sa dedication ni Richard­ Gutierrez sa trabaho.

Ang sipag-sipag niyang mag-promote ng Fantastica, ang Metro Manila Film Festival 2018 movie ng Star Cinema at Viva Films.

Noong Thursday, nag-training muna siya para sa new teleserye nila ni Bea Alonzo, ‘tapos diretso na sa ABS-CBN para sa taping ng two episodes ng It’s Showtime.

Sa taping nga, hiyawan ang mga fan sa loob ng It’s Showtime studio nang lumabas siya na naka-Prince costume.

Si Richard nga ang gumaganap na prince sa Fantastica, kaya ganoon ang pinasuot sa kanya sa It’s Showtime.

Noong Friday naman, training uli sila ni Bea at pagkatapos ay nagpunta na sa Malolos, Bulacan para naman sa Bench mall show na siyempre pa ay sinamahan na rin nila ng Fantastica promo.

Kahapon naman, may bloggers conference sila nina Vice Ganda at may Star Cinema digital shoot din, kaya maghapon na naman siya sa ABS-CBN.

Pero kahit nga sobrang pagod, never nagreklamo si Richard dahil happy siya sa magandang feedback sa filmfest entry nila.

Siyempre, alagang-alaga rin si Richard ng kanyang lovey-dovey na si Sarah Lahbati at ito ang nagre-remind sa kanya palagi na kumain ng tama at i-take ang kanyang vitamins para hindi nga siya magkasakit sa sobrang dami ng trabaho lately.

Sabi nga pala ni Richard, sobrang happy siya for his 2018 dahil maraming magagandang nangyari sa kanya at kamakailan nga lang ay pumirma rin siya ng exclusive contract sa ABS-CBN at naging co-manager pa ng nanay niyang si Annabelle Rama ang Star Magic sa kanyang showbiz career.

Hanggang sa MMFF Awards Night sa December 27 pa ang commitment niya sa Fantastica, kaya after that ay medyo luluwag na rin ang kanyang schedules at pinaplano na niya kung saan sila magse-celebrate ng New Year dahil parating din sa bansa ang tatay ni Sarah.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy