Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Derek babalik sa TV5

0 363

Ang bongga lang ng TV5, Dondon (my dear editor), dahil nadadagdagan na ang shows nila. Nadadagdagan na rin ang mga nagla-line-produce sa kanila.

Si Pops Fernandez, tatahi-tahimik at hindi nagkukuwento kahit araw-araw ko siyang nakakatsikahan, pero may show na rin pala siya na nila-line-produce for TV5.

Actually, sila ng talent manager na si Jojie Dingcong ang may hawak ng show na ‘yon (na hindi pa raw puwedeng i-reveal kung ano).

Tsika ng source ko, line-producer lang si Pops sa nasabing show ng TV5 at hindi siya mag-a-appear doon dahil nasa GMA 7 pa siya.

Actually, kahapon, tina-try kong “hulihin” si Pops tungkol doon, but her lips are sealed! Tahimik lang siya at ayaw magsalita.

Basta ang sabi lang niya sa akin nang sabihin ko na may source ako, “I will call you very soon!”

Actually, na-excite nga ako sa kuwento ng source ko dahil four projects daw ang ila-line-produce nina Pops at Jojie for TV5.

Teka! Manager ni Derek Ramsay si Jojie, posible kaya na kapag natapos ang exclusive contract ng hunk actor sa Kapuso network ay magbalik-TV5 ito?

Well…

Anyway, magkasosyo nga rin pala sina Pops at Jojie sa food business na Bacolod Specials ATBP. kung saan ay puwedeng um-order sa pamamagitan ng Instagram at Facebook accounts nila.

Ang bongga rin ng mga taga-showbiz ngayon, kaliwa’t kanan ang mga pinagkakaabalahang negosyo, huh!

Naku, Dondon, ituloy mo na rin ang plano mong online business, ‘noh?!

SM food to go Banner Ad

Kate, Barbie hindi magkaaway

Si Barbie Forteza ang gumaganap na anak ni Snooky Serna sa “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday”, pero naunang nag-guest sa pa-live ng premyadong aktres sa kanyang Kumu account si Kate Valdez na anak naman ni Dina Bonnevie sa nasabing series ng GMA 7.

Kasama ako sa tsikahang ‘yon at napag-usapan nga ang tungkol sa mga bashing sa social media.

Sabi ni Kate, ‘yung sa “labanan” nila ni Barbie sa “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” ay hindi naman daw siya naba-bash.

Magkaibigan nga raw silang dalawa ni Barbie, kaya hindi magkakaroon ng intriga sa pagitan nilang dalawa.

Pero noon daw na naging kontrabida siya sa isang show, may ibang mga fan daw talaga ang namba-bash sa kanya. Kung anu-anong pagtataray raw ang natanggap niya.

Pati estado niya sa buhay ay idinamay rin ng ibang mga fan.

May mga nagsabi pa raw na hindi naman talaga siya mayaman dahil nakita siyang naglalakad lang sa kalsada na malapit sa GMA 7.

Sabi ni Kate, hindi naman daw niya sinasabing mayaman sila at aminado siyang mahilig siyang maglakad mula sa kanilang bahay sa may Scout Rallos, Quezon City papuntang GMA 7 dahil ang lapit-lapit lang noon sa kanila.

Sabi nga pala ni Kate, sobrang bait sa kanya si Snooky at mabait din ang “nanay” niya sa “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” na si Dina Bonnevie.

Suwerte nga raw si Kate na nakasama ang dalawang premyadong aktres sa “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday”.

Bongga!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.