Una sa Balita

Deputy chief of staff maangas pa sa among senador

By
0 1,044

SINO daw itong number two man sa tanggapan ng senador ang mas maangas pa kaysa sa kanyang amo? Base sa nakaratin­g na impormasyon sa pet­ma­lung spy na si Mang Teban, itong deputy chief of staff (COS) ay nagbanta sa lahat ng opisyal ng Senado na malilintikan sila kapag tinanggap sa trabaho ang taong blacklisted sa kanya.

Aba’y sobra nga ta­laga ang sungay ng deputy COS para pagbantaan ang lahat ng opisyal ng Senado.

Shocked nga daw ang ibang opisyal sa lakas ng hangin ng deputy COS, aba’y pati sila ay minamanduhan gayung hindi sila under sa maangas na staff ng senador.

Palibhasa’y nagtapos sa eskuwelahang mahal ang tuition, naging ma­yabang si Mokong lalo na noong siya ay ita­laga bilang ikalawang pinakamataas sa tanggapan ng senador.

Bukod sa pagi­ging power-tripper, weirdo din umano ang kumag kaya’t marami itong nakakalaban sa Senado­.

Ang tanong eh, sino naman kaya itong t­aong ayaw niyang makapasok ng trabaho sa S­enado? Mukhang may itinatag­o si Mokong na ayaw mabulatlat ng madlang pipol.

Pintahan niyo na. Ang deputy chief of staff na ma­angas pa sa among senador ay mahilig din sa selfie. May letrang M sa kanyang panga­lan as in ­Manyak!