Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Depresyon nagamot ng unang brain implant sa mundo

0 56

Matagumpay ang kauna-unahang brain implant sa mundo sa isang babae para magamot ang matagal na niyang dinaranas na depresyon.

Naging bukas naman sa buhay si Sarah, taga-Amerika United States, ang nasabing brain implant at naging epekto umano ito sa kanyang buhay.

Si Sarah, ang unang tao sa mundo na tumanggap ng `experimental treatment’ kung saan ang “electrical implant” na inilagay sa kanyang skull at ang wire na inilagay patungo sa kanyang utak ay kayang ma- detect at magamot ang severe depression sa pamamagitan ng impulse sa senses na kailangan ni Sarah.

Ang pag-aaral sa paglalagay ng brain implant ay ginawa ni Dr Katherine Scangos, psychiatrist sa University of California kung saan ito ang nagtatrabaho para mahanap ang “depression circuits” sa utak ni Sarah.

“We found one location, which is an area called the ventral striatum, where stimulation consistently eliminated her feelings of depression,” ayon kay Dr Scangos , “And we also found a brain activity area in the amygdala that could predict when her symptoms were most severe.”

Lumahok si Sarah sa pag-aaral matapos na dumanas ng mahabang episodes ng severe depression na hindi naman nagamot ng courses ng anti-depressants at electroconvulsive therapy.

“I felt tortured each day, I barely moved or did anything. When I was in the depths of depression all I saw is what was ugly,” ani Sarah.

Nalaman na ang operasyon ay tumagal ng isang araw,kasama na ang pagbutas sa isang bahagi ng bungo ni Sarah para maibaon ang wire sa kanyang utak gayundin ang battery at pulse generator na inilagay sa buto sa ilalim ng kanyang anit at buhok.

Sinabi ni Sarah na kaagad niyang naramdaman ang pagbabago ng kanyang mood.

“When the implant was first turned on, my life took an immediate upward turn. My life was pleasant again,” dagdag ni Sarah. Sa loob ng ilang linggo, nawala na ang kanyang ” suicidal thoughts”. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.