Una sa Balita

Depression is not a joke – Miko Palanca

0 1,531

Marami ang nagulat sa biglaang pagpanaw ng aktor na si Miko Palanca sa edad na 41. Kumalat via social media ang pagsu-suicide ng nakababatang kapatid ng aktor na si Bernard Palanca.

Tumalon diumano si Miko mula sa tuktok ng isang building sa Santolan Town in San Juan. Natagpuan na lang daw nila itong wala nang buhay.

Ilang araw na raw depressed ang aktor dahil sa kanyang love life.

Bago iyon ay nag-post pa raw ito sa kanyang social media account ng: “depression is not a joke.”

Ang Film Academy of the Philippines or FAP ang unang nag-post ng kanilang condolences sa family ni Miko via their Facebook page.

“The Film Academy Of The Philippines extends our sincerest sympathies to the family of Mico Palanca for his untimely passing.”

Si Miko ay apo ng veteran actor na si Armando Goyena. Tiyahin naman ni Miko ay ang former actress and TV host na si Tina Revilla.

Year 2000 nang pasukin ni Miko ang showbiz bilang isa sa ABS-CBN Star Circle talent. Lumabas siya sa mga shows na “Tabing-Ilog”, “Pangako Sa ‘Yo”, “K2BU”, “Kaytagal Kang Hinintay”, “It Might Be You”, “Buttercup”, “Ang Panday”, “Bituing Walang Ningning”, “Palos”, “May Bukas Pa”, “Huwag Ka Lang Mawawala” at “Inday Bote”. Huli siyang lumabas sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Nang Ngumiti Ang Langit”.

Ginawa naman niya ang mga pelikulang “Yamashita: The Tiger’s Treasure”, “Burlesk King Daw O!”, “My First Romance”, “Dreamboy”, “All About Love”, “Rome & Juliet” at “Shake, Rattle & Roll 8”. Na-link sa mga aktres na sina Joyce Jimenez at Bea Alonzo si Miko. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More