Una sa Balita

Deployment ng mga nurse sa abroad lilimitahan

0 245

PLANO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na limitahan ang pag-deploy ng mga nars sa ibang bansa dahil may ‘malaking pangangailangan’ ang naturang propesyon sa lokal.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang job fair noong Independence Day, madalas na ang mga nagsisipagtapos ng nursing ay kumukuha ng board, nagsasanay ng dalawang taon at umaalis ng bansa.

Kung kaya’t ang pakiusap ng mga opisyales ng Philippine Nursing Association (PNA) sa DOLE, limitahan ang deployment ng mga nurse dahil kailangang-kailangan din ng bansa ang mga nars.

Ang trabaho ng nars sa Gitnang Silangan at United Kingdom ay nag-aalok sa job fair ng sahod na mula P40,000 hanggang P60,000, hindi pa kasama ang mga benepisyo.

Sa lokal, ang mga nars ay kadalasang nasa P15,000 hanggang P20,000 sahod kada buwan.

Samantala, isinusulong ng DOLE ang isang batas na iangat ang minimum na suweldo ng mga nars sa P30,000.

Ayon kay Bello, kailangang mairekomenda sa tulong ng DBM (Department of Budget and Management) na siyang nagtatakda kung ano ang dapat na pagtaas. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy