Una sa Balita

Deployment ban sa Qatar binakbakan

By , , , ,
0 115

Ikinagulat ng mga overseas Filipino workers (OFWs), mga stakeholders at ilang mambabatas ang pagsuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa deployment ng mga manggagawang Pinoy sa Qatar.

Ito’y matapos putulin ng pitong bansa sa Gitnang Silangan ang diplomatic relations nila sa Qatar dahil sa akusasyong sinusuportahan nito ang terorismo.

“We were surprised at the abrupt decision to suspend the deployment of OFWs to Qatar to give way to an assessment of the situation. It is usually the other way around,” ayon kay OFW advocate Susan Ople ng Blas Ople Policy Center.

Aniya, hindi kasali sa diplomatic crisis sa Qatar ang mga manggagawang galing sa ibang bansa. “On the second day of the diplomatic row, we were the first and only labor-sending country that suspended the deployment of its workers to Qatar. That makes us pretty memorable,” diin ni Ople.

Tinawag din nina Senador Nancy Binay at ACT-OFW Partylist Rep. Aniceto John Bertiz na “premature” ang suspension order sa deployment ng OFWs sa Qatar at iginiit na ikunsidera ito ng DOLE dahil hindi pa naman natatapos ang assessment ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon sa nasabing bansa.

QATAR BACK TO NORMAL NA

Samantala, tiniyak ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na hindi naman magtatagal ang deployment ban.

Inamin din ng kalihim na nakausap na rin ang labor attaché sa Qatar at tiniyak nito sa kanya na normal naman ang sitwasyon ng mga OFWs doon. “Yes there was panic but now normal na ang sitwasyon, this was the assurance of Qatar Labor Minister. Back to normal,” ayon kay Bello.

Hiningan na umano niya ng written advisory ang Philippine Embassy sa Doha, Qatar para gamiting batayan sa pagbawi ng deployment ban.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy