Una sa Balita

Deployment ban sa Kuwait wala nang atrasan

By
0 1,241

Walang plano ang Department of Labor and Employment (DOLE) na alisin ang deployment ban sa Kuwait sa kabila ng pakiusap ng pamahalaan ng nasabing bansa na ipawalang-bisa na ito.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, hindi nila babawiin ang ipinatutupad nilang temporary deployment ban sa Kuwait sa kabila ng kahili­ngan ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Althwaikh, na alisin na ito para muling makapagpadala ang Pilipinas ng mga manggagawa sa Kuwait.

Giit ng kalihim, nais muna niyang maimbestigahan ang mga ulat kaugnay ng pagkamatay ng ilang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.

“I said I also want to do that but I have to get the results of the investigation, which I ordered to be completed in 15 days,” saad ni Bello.

Sinabi pa ni Bello na bubuo rin siya ng rapid reaction team na magsasagawa ng pag-aaral sa sitwasyon ng mga Filipino sa Middle East.

Sa kabuuan, ang natanggap na umanong ulat ng DOLE mula sa Kuwait ay 1,447 kaso ng pagmamaltrato; 2,959 na kaso ng paglabag sa kontrata; 227 kaso ng sekswal na pang-aabuso at 63 kaso ng panggagahasa mula noong 2016.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy