Una sa Balita

Depensa, takbuhanarmas ng Raptors

0 299

Jerry Codiñera

Maraming nagulat sa kinalabasan ng mga laro sa NBA playoffs lalo na nang tinalo ng Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks sa Eastern conference finals.

Parehong mga overachieving teams ang mga ito. Siguro meron sila na isa hanggang dalawang certified superstar sa pangunguna nina Kawhi Leonard at Giannis Antetokounmpo.

Maraming mabibigyan ng extension sa kontrata na mga player at coach sa ganda ng pinakita nila at maraming natuwa dahil hanggang dulo ng laro ay puno ng kaganapan.

Dalawang bagay ang nanaig sa atin sa playoffs ng NBA na limahan pa rin talaga ang basketball.

Team play ‘ika nga dahil ‘yan ang pumigil sa batang superstar na si Giannis. ‘Yan din ang pinakaarmas ng Warriors, ang matinding ikot ng bola. ‘Yung pag-swing ng bola side to side lalo na kapag area ang binabantayan ng kalaban (zone defense).

Tatlong bagay para manalo ang dehadong Toronto kontra Golden State.
1. Steady na depensa at walang humpay na running game.
2. Makuha ng Raptors agad ang first 2 games.
3. Maka-adjust sa tawag ng mga official.

***
Nagkaroon ako ng pagkakataon na maging panauhin ang kontrobersyal na si coach Lawrence Chongson sa BANTAY SARADO nitong nakaraan Biyernes.
Sa July 2, 9 at 16 maglalaro ang UNTV Cup: PBA Legends sa Ynares Gym na ang mga maglalaban-laban ay ang koponan ng Purefoods, San Miguel Beer,Alaska at Ginebra.

Ang timeslot sa first game ay 12:30pm at ang 2nd game naman ay magsisimula ng 1:30pm.

Kaya magkita-kita tayo at konting reunion ito para sa ating lahat.
Enjoy lang habang nakakatakbo pa ang ating mga idol at meron pang konting buhok.

Itong darating na Biyernes, si Magnolia Hotshots Jiovani Jalalon ang ating magiging panauhin kaya abangan

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy