Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Depensa ng Knicks tinibag ni Kawhi

0 205

Basag ang league-leading defense ng New York Knicks kay Kawhi Leonard at Los Angeles Clippers.

Umiskor si Leonard ng 28 at itinakbo ng Clippers ang 129-115 panalo sa Madison Square Garden Linggo ng gabi.

Ito na ang highest point total na pinalusot ng nakakangilong depensa ng Knicks, namimigay lang ng 102.7 points sa mga nakakatapat.

“We’re just a pretty good offensive team,” pakli ni Paul George na umayuda ng 17 sa LA.

“We share the ball, we move it, we look for the open man, we emphasize pasing up good shots for great ones.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ambag si Reggie Jackson ng 18 points sa Los Angeles na 17 for 38 sa 3s.

Nakaungos ang New York sa puntusan sa paint 48-34.

Naglista ng 27 points at 12 rebounds si Julius Randle sa Knicks, may 25 si rookie Immanuel Quickley at 23 kay RJ Barrett.

Lamang sa halos buong first half ang Knicks pero naagaw ng LA ang manibela 66-65 sa break.

Pagbalik, inumpisahan ng Clippers ang second half sa 7 straight points at hindi na naglubay.

May tig-10 points sina Leonard at Jackson sa third quarter. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.