Una sa Balita

Depensa lang ‘yan para makaiwas sa kaso – NCRPO

By
0 1,371

MARIING itinanggi kahapon ng kampo ng negosyanteng si Arnold Padilla na pag-aari nito ang dalawang granada na nakuha ng mga tauhan ng Regional Special Ope­ration Unit-Natio­nal Capital Region Police Office (RSOU-NCRPO) sa dalawang bahay nito matapos salakayin sa bisa ng inihaing search warrant sa Magallanes Village, Makati City kamakalawa nang umaga.

Nauna nang nakita si Padilla sa viral video na may kasamang babae at mga bodyguard na nagmura at nanakit sa da­lawang Bantay Bayan Traffic Enforcer sa Edsa Magallanes sa nasabing lungsod kamakailan.

Ayon kay Atty. Raymond Fortun, abogado ni Padilla, tinaniman ng granada si Padilla ng mga sumalakay na pulis sa kanyang da­lawang bahay sa nasa­bing lugar.

Ipinakita ang kuha ng CCTV camera sa kusina ng bahay ni Padill­a kung saan may dalawang pulis na pumasok sa kusina ng bahay nito.

Aniya, nauna ang dalawang pulis sa bahay bago pa dumating ang search team mula sa RSOU.

Sinabi ni Fortun, noong pumasok ang dala­wang pulis, wala raw kasamang baranggay officials o kasambahay ni Padilla at wala pa rin ang mga media.

Sa CCTV footage, nakitang ipinihit ang came­ra pataas at hindi na nakita ang ginawa ng mga pulis sa ilalim nito at sa buong kusina ng bahay ni Padilla.

Paliwanag pa ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar na lahat nang kanilang nahuhuli at nakukumpiskang ebidensiya ay ito ang kanilang depensa para maiwasan ang kanilang kinakaharap na kaso.