Una sa Balita

Depensa armas ni Alas vs ‘national team’ SMB

0 283

ISANG bundok na mahirap alpasan ang kinakaharap ng Phoenix Pulse sa best of seven semifinals ng 44th PBA 2019 Philippine Cup.

Sa first game ng semis nitong Sabado ng gabi, tagumpay ang Phoenix na napigilan ang pananalasa ni five-time league MVP June Mar Fajardo, tumapos ng tig-siyam na puntos at rebounds.

Pero wala pa ring panama ang Phoenix sa powerhouse team na San Miguel Beer, napatid sa nasabing laban, 88-100, kahit hindi malahalimaw ang performance ni Fajardo, naging matikas pa rin ang kanilang mga ­guwardiya.

Tumapos si Alex Cabagnot ng 26 points sahog ang pitong assists, kasama ang tig-14 nina Chris Ross at Marcio Lassiter, na patuloy na magiging tinik kay Louie Alas sa serye.

“So now malaki na yung problema ko, magpe-prepare ako kay June Mar, magpe-prepare pa ako sa perimeter nila,” ayon sa Fuel Masters coach.

Problema nga lalo’t tingin ni Alas na pang-national team na ang kalidad ng mga manlalaro at istilo ng San Miguel, patunay na aniya nang patuloy nitong pananalasa sa pinakaprestihiyosong kumperensya ng pro league.

“Sabi ko nga sa kanila, ‘We’re facing a national team here, so yung margin of error dito napakaliit kaso ang laki ng turnovers namin,” ayon pa sa Phoenix mentor.

Sisikaping makatabla ng Fuel Masters sa Smart Araneta Coliseum para makaiwas na ma­baon sa 2-0 ­deficit. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy