DepEd: Wasak sa mga eskuwelahan ni ‘Rolly’, ‘Ulysses’ abot P10B

Umabot sa P10.4 bilyon ang halaga ng mga nasira imprastraktura ng mga paaralan sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly at Ulysses.
Sa pagdinig sa Senado, inihayag ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, na 1,982 school ang nasira ng bagyong Rolly kung saan malaking bahagi nito ay naitala sa Bicol region.
“In total from Rolly, infrastructure damage alone is about P6.6 billion as estimated by our DRRMS (Disaster Risk Reduction and Management Service),” sabi ni Malaluan.

Sa bagyong Ulysses naman, ang halaga sa nawasak na school infrastructure ay umabot sa P3.8 bilyon.
“Because of the flooding nature of Ulysses, then the non-infrastructure [damage] was quite big. The flooding that happened brought considerable damage to school furniture, learning materials, and computers of the schools,” sabi ni Malaluan.
Tiniyak naman ni Malaluan na may mekanismo ang kagawaran sa pagtugon sa ganitong uri ng pagkasira.
“We have provisions (funds) for an immediate cleanup and minor repairs that we can download,” ani Malaluan. (Dindo Matining)