Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DepEd pasaklolo sa mga maling module

0 94

RP

Lumapit ang Department of Education (DepEd) sa Department of Justice (DOJ) para mapanagot ang ilang nagpapakalat ng sablay na module kung saan ang iba ay hindi galing sa kanila.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, “Gusto ko rin pong bigyang-diin na hindi lahat ng nagiging viral sa social media ay nakikita natin na gawa ng DepED.”

Saad nito, sa 800,000 na pahina ng module na nilabas ng DepEd, tanging 30 lamang ang nakita nilang error.

Nagpatulong na si DepEd Secretary Leonor Briones sa DOJ para malaman ang kanilang sunod na hakbang sa mga nagpapakalat ng mga sablay na module.

“Nag-i-investigate naman kami. Na-establish namin na mayroon talagang hindi amin, pero sinasabing amin at ginagamit ang seal ng Department of Education,” lahad ni Briones.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.